Chapter 8: Queen bee's plan

3.2M 69.6K 30K
                                    

CANDICE

"All flights going to Korea are now boarding."

Tumayo ako dala-dala 'yong bagahe ko. Aalis na talaga kami. Hindi na ako nagpaalam pa sa iba. Gusto ko sana silang makita, lalo na 'yong dalawa kong best friend, sina Troy at Tiffany, pero nakapag-decide na ko. Hindi na ako magpapaalam sa kanila. Hindi na muna ako magpapakita sa kanila hanggang ganito ako. Babalikan ko silang lahat kapag nakalimutan ko na si Jeydon, kapag buo na ulit ako. Kapag kaya ko na ulit humarap sa kanila bilang Candice na nakilala nila. 'Yong masaya at puno ng pagmamahal. Hindi 'yong Candice ngayon na punung-puno ng sakit at puot.

"Candice, let's go?" Ngumiti sa 'kin si Kuya.

Sumunod lang ako sa kanila ni Mama. Sa totoo lang, kahit nakangiti pa ngayon si Kuya, alam kong malungkot siya. Malungkot siya kasi iiwan niya rito si Ate Serina. Siguro kung hindi dahil sa 'kin, hindi aalis si Kuya. Hindi sila magkakalayo ni Ate Serina.

"Kung ano man 'yang nasa isip mo, alisin mo na. Babalik tayong Korea para makalimutan mo ang lahat at para makapagsimula ka ulit." Tiningnan ko siya.

Palagi na lang bang ako 'yong iniintindi at iniisip nila? Sawang-sawa na ako na palagi na lang ako 'yong kailangang intindihin. Palaging ako 'yong iniisip nila bago ang mga sarili nila. Para bang napakahina ko, napakawala kong kwenta.

"Kuya, you don't have to go. Mag-stay kayo ni Mama rito." Nanlaki 'yong mata ni Kuya sa sinabi ko. "Mag-isa akong aalis."

"Candice, you can't decide on this!"

"Alam kong mas matanda kayo sa 'kin ni Mama, pero hindi naman ibig sabihin ay kayo lang ang may karapatang magdesisyon sa lahat ng bagay." Natigilan siya sa sinabi ko. "Kuya, please. Kahit ngayon lang, ako naman 'yong sundin mo. Ako naman 'yong pakinggan niyo."

"Hindi, Candice. Bata ka pa kaya kami 'yong sundin mo. Mas alam namin kung ano ang tama."

"Kuya, hayaan mo na ako ro'n. Hayaan mo na akong pumunta sa Korea na mag-isa."

"Candice naman!" Magsasalita pa sana si Kuya pero dumating na si Mama.

"Charles, Candice is already 19. She's not a baby anymore. Let her decide on her own." Sa itsura pa lang ni Kuya, mukhang ayaw niya pa rin pumayag. "She's with Yaya Linda. Walang mangyayari na masama sa kanya."

"Mama, she's sad and depressed. She needs us there. I can't let her go alone." Nagkatinginan sina Kuya at Mama. Hindi ko alam kung sino sa kanila 'yong mananalo.

"I know. But I think it's best for Candice to be on her own this time. Kailangan niyang mapag-isa para na rin maisip niya kung ano 'yong dapat niyang gawin."

Tiningnan ulit ako ni Kuya Charles. "Are you sure you want to go alone?" Hinawakan ko 'yong kamay niya.

"Yes, Kuya, I need to be alone." Napabuntong-hininga na lang siya. "May tiwala ka naman sa 'kin, hindi ba, Kuya?"

Niyakap ako ni Kuya. "Yes, and I will trust you this time. Mag-ingat ka ro'n."

"Thank you, Kuya. I will take care."

Lumapit sa 'kin si Mama. "Candice, ayoko rin na umalis kang mag-isa pero alam ko naman na kaya mo nang tumayo sa sarili mo. I want you to be independent. If you need anything, nando'n si Yaya Linda, okay?" Niyakap ko nang mahigpit si mama.

"Thank you, Ma. Salamat sa pag-intindi sa 'kin. I love you, Mama."

"Kahit malaki ka na, you're still my baby girl." Naiyak siya pero pinunasan naman agad niya 'yong mga luha niya. "I love you, anak."

"Candice, you should go now. Paalis na 'yong plane mo." Hinila ko na 'yong bag at maleta ko palayo pero bago pa ako makalayo, nilapitan ako ni Kuya. "Mag-ingat ka do'n. I love you, manang." Hindi ko napigilan na mapangiti. After all this time, manang pa rin 'yong tawag niya sa 'kin.

The Good Girl's Revenge (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon