Chapter 27: Jeydon's reason

3.3M 67.4K 63K
                                    

JEYDON

[Now Playing: Miracles in by EXO]

Nakatingin na naman ako sa litrato naming dalawa. Nakangiti siya sa camera tapos ako, yakap-yakap ko siya mula sa likod. Masaya pa kami rito. Masayang-masaya. Mahal na mahal pa namin 'yong isa't isa. 'Yong siya 'yong mundo ko at ako naman 'yong mundo niya.

"Ang sarap balikan ng mga alaala na meron kami dati. Nakalulungkot lang na hanggang alaala na lang 'yon ngayon."

"Sinasaktan mo lang 'yong sarili mo, Jeydon. Hindi na siya babalik sa 'yo, hindi na." Ramdam ko sa tono ng boses niya ang pagkainis.

Naiinis na naman siya sa 'kin kasi iniisip niya na nagpapakatanga na naman ako.

"Alam ko. Alam kong hindi na siya babalik pa." Nilapag ko patalikod 'yong litrato naming dalawa ni Candice. "Buti pa 'yong alaala, bumabalik. Pero 'yong taong mahal mo, hindi na."

"Siguro hindi lang talaga kayo para sa isa't isa." Lumapit siya sa 'kin pagkatapos ay hinawakan niya 'yong kamay ko. "You're not meant for each other."

"Siguro nga bagay lang kami pero hindi kami meant to be." Tumayo ako pagkatapos ay humarap ako sa may bintana. Pinagmasdan ko 'yong papaangat na araw.

"Can you not go there, Jeydon?"

"Pagbigyan mo na ako ngayon, Kim. Ito na lang ulit 'yong araw na makakasama ko siya at baka ito na rin kasi 'yong huli." Natahimik kaming dalawa at maya-maya lang, narinig ko na namang umiyak si Kim. Hinarap ko siya, at tama ako, umiiyak nga siya.

"Mag-enjoy ka ro'n ha. Gusto kong maging masaya ka."

Lumapit ako sa kanya at pinahid ko 'yong mga luha niya. Hindi ko man siya mahal, pero ayoko siyang nakikitang nasasaktan nang dahil sa 'kin.

"Alam ko naman na magiging masaya ka ro'n, sa kanya. Kaya masaya na rin ako." Hindi siya tumigil sa pag-iyak niya.

Hinila ko siya papalapit sa 'kin at niyakap ko siya. Ito na lang 'yong kaya kong gawin para sa kanya ngayon. "Salamat at naiintindihan mo ako."

"Lahat naman kaya kong gawin para sa 'yo dahil gano'n kita kamahal. 'Yon nga lang, hindi mo 'yon kayang gawin para sa 'kin." Ramdam ko 'yong sakit na nararamdaman niya sa tono pa lang ng boses niya. "Mahal kita pero may mahal kang iba."

"Kim, mianhe... mianhe." Lumayo siya agad sa 'kin at tumalikod.

"Sana dumating 'yong araw na kaya mo ulit akong mahalin."

Natulala na lang ako sa kinakatayuan ko. Gustuhin ko mang mahalin siya, hindi ko magawa. Ayoko man siyang saktan, hindi ko maiwasan. Nakaramdam na lang ako ng galit, galit sa sarili ko.

Ang tanga-tanga ko para saktan 'yong dalawang tao minahal at minamahal ako nang sobra.

"Jeydon, 'wag mo nang gawing komplikado ang lahat." Nakita ko si Marky na nakatayo sa may pintuan at nakatingin siya sa 'kin. "Mahal mo si Candice at pakiramdam ko, may nararamdaman pa rin siya sa 'yo kaya wala akong nakikitang problema roon."

Tinalikuran ko lang siya. Nahihibang na siya. Hindi niya alam kung anong sinasabi niya.

"Kie, sabihin mo sa 'kin. Paano kung dumating na 'yong panahon na mawawala na ako? Paano na si Candice?" Biglang bumigat 'yong pakiramdam ko. "Ayoko siyang masaktan. Hindi ko kaya."

"Bakit? Sa ginawa mo ba, hindi siya nasaktan?" Sinarado ko 'yong mga kamay ko para pigilan 'yong galit na nararamdaman ko ngayon. "Jeydon, nasaktan mo siya."

Oo, sinaktan ko 'yong taong pinakamamahal ko. Galit na galit ako sa sarili ko kasi sinaktan ko siya kahit na ang intensyon ko lang naman talaga ay 'yong maging masaya siya.

The Good Girl's Revenge (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon