Chapter 32: Wide Awake

2.3M 61.1K 22K
                                    

CANDICE

Parang dinudurog 'yong puso ko.Parang ayoko pang maniwala sa lahat ng mga nangyayari ngayon, mula sa sakit ni Jeydon hanggang sa pagiging comatose niya. Sana isa lang 'tong masamang panaginip at anytime, pare-pareho na kaming pwedeng magising.

"Naaalala mo pa ba 'yong araw na sinabi mong gusto mo ako?" Hinawakan ko 'yong mga pisngi niya. "Do'n ko naramdaman 'yong pinakamatinding slow motion ng buhay ko." Para lang naman siyang mahimbing na natutulog. Ang amo ng mukha niya. Hindi ko iisipn na comatose siya.

Hindi ko na naman napigilan na maiyak.

Lahat ng mga alaala naming dalawa, lahat bumabalik. Lahat ng saya, lungkot, at kilig na naramdaman ko, unti-unting bumabalik.

Sa nangyari ngayon, biglang lumambot 'yong bato kong puso. Hindi ko na iniisip ngayon 'yong mga nagawa sa 'kin ni Jeydon. Lahat ng galit na meron ako, biglang nawala. Galit na bunga ng akala ko ay panloloko at pagtataksil. Galit na bunga ng sakit na naramdaman ko. Mahirap man pero unti-unti ko nang naiintindihan ang lahat ng mga ginawa niya.

Kung iisipin, siya pa rin 'yong lalaking minahal ko. Hindi siya nagbago. Siya pa rin 'yong lalaking mas mahal ako kaysa sa sarili niya. Lahat gagawin niya para sa 'kin kahit na masaktan pa siya.

Ang lalaking hindi man perpekto para maging prinsipe para sa 'yo, pero sigurado namang mamahalin ka nang walang katulad. Higit pa sa isang perfect Prince Charming.

"Ang daya mo naman, Jeydon. Bakit ka naglihim sa 'kin?" Pinunasan ko 'yong mga luha ko. Ayaw niya akong nakikita na umiiyak. "Pwede naman tayong lumaban na magkasama e. Hindi naman ako aalis sa tabi mo. Hindi naman kita iiwan e." Kinuha ko 'yong kamay niya tapos hinalikan ko 'yon. "Jeydon, please, gumising ka na."

Pinatong ko 'yong ulo ko sa kama niya. Hindi ko mapigilan 'yong mga luha ko. Ang hirap isipin na ganito ka-komplikado 'yong sitwasyon namin. Ang hirap tanggapin na napakamapaglaro ng tadhana sa 'ming dalawa. Ang hirap na palagi na lang kaming pinaghihiwalay.

Ang hirap ipasok sa puso at isip ko ang lahat ng nangyari. Sobrang biglaan lahat na parang sasakit na lang 'yong ulo ko kakaisip.

Kahit kailan, hindi ko inasahan na may isang katulad mo na darating sa buhay ko. Akala ko sa palabas lang nangyayari na ang isang bad boy ay mai-in love sa isang good girl. Akala ko rin sa mga Disney movie lang may mga prinsesa pero hindi pala. Kasi tinuring niya akong higit pa sa isang prinsesa.

"Papunta na sana tayo sa 'happily ever after' pero mapaglaro talaga ang tadhana kaya baka maging 'once upon a time' na lang ang istorya natin."

Nalaman ko man ang lahat ng katotohanan ngayon, malaki na ang nagbago. Hindi na maaring bumalik 'yong pagmamahal ko sa kanya. Mahirap nang buoin ulit ang bagay na matagal nang nasira. Mahirap nang ibalik 'yong dati. Minsan kasi hindi sapat 'yong pagmamahal lang. Hindi ako sigurado kung may chance pa na ibalik ang dati. Ang importante ngayon ay ang gumising siya.

"Jeydon, 'everything is with reason' 'di ba? Alam ko na may rason kung bakit nalaman ko 'yong lagay mo, kung bakit nandito ako. I know it happened because you'll wake up. Magsusumbatan pa tayo, 'di ba? You need to wake up, pusang robot."

Inangat ko 'yong ulo ko pagkatapos ay tiningnan ko siya. Ang amo ng mukha niya na hindi mo aakalain na pwede siyang maging dragon anytime. Para lang talaga siyang natutulog.

"Ayaw mo sa ospital 'di ba? Ayaw mo sa mga gamot 'di ba? Kaya please naman, gumising ka na." Lumapit ako tapos hinalikan ko 'yong noo niya. Gusto ko siyang yakapin pero alam kong hindi pwede.

Nakakatawa lang na sa isang iglap, nawala lahat ng galit ko sa kanya. Sa isang iglap lang, biglang lumambot 'yong matigas kong puso. Sa isang iglap, bumalik ako sa dating ako.

The Good Girl's Revenge (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon