Chapter 47: Mickey Mouse

1.9M 50.2K 15.3K
                                    

STACEY

"We will announce the winner after fifteen minutes." Malapit na.

Nasa'n na ba si Candice? Kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi siya sumasagot. Don't tell me na ipagpapalit niya ako kay Jeydon?

Nakasimangot lang ako rito sa table ko habang hinihintay 'yong reply ni Candice. Kailangan nandito siya kapag nanalo na ako as Student Council President. Sabay naming titignan 'yong magiging reaksyon ni Blossom kapag sinabi nang ako 'yong nanalo. For sure, matutuwa ako sa epic na mukha ng malanding Blossom na 'yon. Sorry, pero bitch pa rin ako kahit anong mangyari lalo na sa mga katulad ni Blossom.

"Okay. All candidates, please go to the stage," sabi ng emcee. Ugh! Candice, nasa'n ka na ba ha?

Nag-decide na lang ako na umakyat sa stage na mag-isa. Kailangan mong magbigay sa 'kin ng magandang explanation mamamaya, Bee.

Lima lang kaming candidates at kung mamalasin nga naman ako, si Blossom pa 'yong katabi ko. Sabagay, ayos lang 'yon para makita ko nang maayos 'yong mukha niya mamaya.

"Hi, Stacey! Where's your best friend?" tanong niya pa sa 'kin. Tiningnan ko lang siya pero hindi ko siya sinagot. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Namnamin mo 'yong pagtataray ko. Hindi ka worthy para sa laway ko. ""Natameme ka ba sa kagandahan ko?"

What the hell? Ganda? Saan banda? Hindi ko nasana siya papatulan pero inuubos niya 'yong pasensya ko.

"Kung puro walang kwenta 'yang sasabihin mo, better shut your big ugly mouth. Mas okay nang wala siya para ako lang makakakita ng pagkatalo mo," pang-aasar ko sa kanya. Tiningnan niya lang din ako tapos ngumisi lang siya at hindi nagsalita. Parang kinabahan ako ro'n ha. Kakaiba 'yong inaasal niya ngayon.

Nagsalita na ulit 'yong emcee. "Hindi na namin 'to patatagalin pa. Ang tatanghalin na Student Council President this semester ay si..." Nag-drum roll effect pa. Gano'n ba kabongga 'yong pag-announce ng name ko? "Ms. Blossom Lee."

What?!

"Buti wala rito si Candice. Hindi niya nakita 'yang mukha mo. Nakakatawa ka. You're such a loser." Ang lapad-lapad ng ngiti niya sa 'kin habang papunta siya sa harap.

Panaginip lang lahat ng 'to, 'di ba? Hindi naman siya 'yong nanalo e, 'di ba? Ako 'yon e. Fuck! Anong nangyari? Anong kalokohan ito?

Sobrang nakakairita 'yong tingin at ngiti ni Blossom. Kitang-kita ko rin sa harap si Bubbles na tuwang-tuwa para kay Blossom, and I bet pinagtatawanan na niya ako. Parang gusto kong manampal ngayon. Gusto kong samapalin sina Blossom at Bubbles! Pagbubuhulin ko silang dalawa.

Hindi ko na pinatapos 'yong walang kwentang event na 'yon at umalis na ako agad. Baka ma-haggard lang 'yong beauty ko ro'n. Wala akong pakialam kung hindi ako 'yong nanalo. Ang ayoko lang, 'yong si Blossom 'yong nakatalo sa 'kin. For sure, mas lalo nang lumaki 'yong ulo ng bruhang 'yon. Pakiramdam na niya siguro ngayon na sobrang nalamangan na niya ako. Asa naman siya 'no. Sa mukha pa lang, walang-wala na siya sa 'kin.

Pumunta ako sa tambayan nina Troy sa canteen para maikalma ko 'yong sarili ko. Sinubukan ko ulit na tawagan si Candice pero unattended na 'yong phone niya. Ano bang nangyari sa kanya? Ngayon ko pa naman siya kailangan.

Hindi mula sa malayo, nakita ko si Shawn na papalapit sa 'kin. Mukhang hinahanap din niya si Candice.

"Nakita mo ba si Candice?" bungad niya agad sa 'kin. Hindi ko alam kung may alam na si Shawn about Candice and Jeydon kaya it's better if I shut my mouth. "Kanina ko pa siya tinatawagan e."

"Gano'n din ako pero nakapatay 'yong phone niya."Umupo siya sa tabi ko at parang may iniisip siya. "Anong problema? Baka busy si Bee."

"Kinakabahan ako e, parang may mali." Sa sinabi niya, parang kinabahan na rin ako. Pero ang sabi naman ni Candice, makikipagkita siya kay Jeydon. Mabuti pa ay sabihin ko na lang kay Shawn 'yong totoo para hindi na rin siya mag-alala.

The Good Girl's Revenge (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon