Chapter 31: Miracle

2.2M 58.9K 17.1K
                                    

CANDICE

"Si kuya... comatose siya."

Paulit-ulit na lang na nag-e-echo 'yong boses ni Jayshin sa utak ko.

"Candice, anong magandang isuot para sa birthday ko?"

Hanggang ngayon kaya comatose pa rin siya? Ano kayang lagay niya? Magiging maayos pa ba siya?

"Bee, okay ka lang?"

Naiisip ko na naman siya. Naiinis ako sa sarili ko kasi hindi ko maiwasan na mag-alala para sa kanya. Hindi ko na dapat nararamdaman 'to. Dapat wala na akong pakialam sa kanya.

"Candice!" Muntik na akong mahulog sa pagkakaupo ko dahil sa gulat ko. "Ano bang nangyayari sa 'yo?" Bigla na lang akong natulala at pakiramdam ko ay maiiyak na ako.

Tumalikod agad ako kay Stacey para in any case na maiyak nga ako, hindi niya ako makita. "Bee, mag-restroom lang ako." Tumayo ako pagkatapos ay tumakbo ako palayo.

Pumunta ako sa bakanteng lote ng university. Sa lugar na walang ibang makakakita sa 'kin. Hinayaan ko na 'yong sarili ko na umiyak. Nasasaktan ako sa hindi ko malaman na dahilan. Dahil ba 'to kay Jeydon?

Oo, nasasaktan na naman ako dahil sa kanya.

Ang hirap kalabanin 'yong sarili mo. Ang hirap ipagpilitan na wala ka nang pakialam sa kanya kung ang totoo, meron pa. Ang hirap itago na iniisip mo pa siya at nasasaktan ka dahil sa masamang lagay niya ngayon.

Napatingin ako sa langit. Naalala ko 'yong panahon na comatose din ako. Hindi ako iniwan ni Jeydon no'ng mga panahon na 'yon. Hindi siya umalis sa tabi ko. Sa pagpikit at sa pagmulat ulit ng mata ko, siya pa rin 'yong nakita ko. Masakit maalala 'yong mga bagay na 'yon kasi alam mong ibang-iba na 'yong sitwasyon niyo ngayon. Hindi na niya ako mahal pa at matagal na rin niya akong kinalimutan.

Pinatong ko sa mga tuhod ko 'yong ulo ko.

Dalawang araw na akong hindi makakain at makatulog nang maayos dahil kay Jeydon. Hindi siya mawala sa isip ko. Hindi ko maiwasan na mag-alala para sa kanya. Isa pa, natatakot ako. Natatakot ako sa mga pwedeng mangyari sa kanya. Kamuhian ko man siya ngayon, hindi ko kakayanin kung may mangyaring masama sa kanya.

[Now Playing: Safe and Sound by Swift]

"Candice..."

Inangat ko 'yong ulo ko para makita ko siya. Tama ako, siya nga 'yon.

"Anong ginagawa mo rito, Kim?"

Hindi ba nasa Korea siya at binabantayan niya si Jeydon? Bakit nandito siya? Gising na ba si Jeydon at bumalik na sila rito?

"Bumalik na ba kayo ni Jeydon dito?"

Nakatingin lang siya sa 'kin. Maya-maya lang, may mga luha nang tumutulo galing sa mata niya. Kahit naiinis ako sa kanya, hindi ko maiwasan na maawa sa itsura niya.

"Ako lang 'yong bumalik dito. Nandito ako para isama ka pabalik sa Korea." Anong sinasabi niya?

"At bakit naman ako sasama sa 'yo?"

"Candice, kailangan ka ni Jeydon. Comatose siya ngayon at alam kong kaya mo siyang gisingin. Nakikiusap ako sa 'yo, sumama ka sa 'kin."

Naguguluhan ako sa mga kinikilos ni Kim. Ako ang kailangan ni Jeydon at hindi siya? Ano bang sinasabi niya? Matagal na akong kinalimutan ni Jeydon kaya bakit niya pa ako kakailanganin?

"Kim, hindi ako doktor kaya hindi ko siya mapapagaling at isa pa, ikaw 'yong girlfriend niya kaya ikaw 'yong kailangan niya. Hindi ako na ex-girlfriend na lang." Bigla akong sinampal ni Kim. Natulala ako sa ginawa niya kaya hindi ako nakagalaw. "Anong problema mo?"

The Good Girl's Revenge (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon