Chapter 53: Win or Lose

2.1M 51.4K 34.3K
                                    

Ang ingay. Para akong nabibingi sa sobrang lakas ng sigawan. Puro tili ng mga babae 'yong naririnig ko. Konti na lang, mapuputulan na sila ng ugat sa leeg. Hindi ko naman sila masisisi dahil gwapo naman talaga sina Jeydon at sina Lucas.

Halos hati rin 'yong mga sumusuporta sa Badburn at Phoenix. Para sa Badburn fans, nakasuot sila ng shirt na kulay blue at sa Phoenix naman, shirt na kulay yellow. Si Tiffany, syempre naka-blue para kay Troy, pati na rin si Menchie para kay Blake. Si Abby naman ay naka-yellow para kay Marky. 'Yong Powerpuff Girls naman ang cheering team namin ngayon. Naka-yellow rin silang lahat. Kasali kasi si Edward sa Phoenix at syempre, todo-suporta sa kanya 'yong girlfriend niyang si Blossom. Si Six naman ay kasali sa Phoenix at balita ko, sila na ni Bubbles kaya naka-yellow siya. Si Anne naman, naka-yellow rin siguro para pareho-pareho silang tatlo. Si Stacey naman ay nag-blue dahil kasali si Edward sa Phoenix.

Ako? Green na shirt 'yong sinuot ko, combination ng blue at yellow. Pareho ko kasi silang sinusuportahan.

"Let us welcome the Badburn Basketball Team!" pag-announce ng emcee. Grabe na naman 'yong mga sigawan ng tao.

"Go, Badburn!" sigaw nila.

"Number 23, Charles Gonzales!" Lumabas si Kuya tapos todo-hiyaw sila. Aba syempre, hindi ako papatalo.

"Go, Oppa! Hwaiting!" sigaw ko. Dahil wala na si Juan Paulo, si Kuya na 'yong substitute para sa kanya.

"Number 16, Blake Fuentabella!" Pagkalabas na pagkalabas ni Blake, todo-support na sa kanya si Menchie.

"Go, MM!" Lumingon sa kanya si Blake tapos kinawayan niya si Menchie. Tiningnan ko silang dalawa at napagtanto ko lang na bagay talaga sila. Hindi ko man lang naisip na magjowa pala sila ni Blake. Ang galing nila magtago.

"Number 1, Ginno Reyes!" Todo-cheer din sila kay Ginno. Nakita ko si Margot sa kabilang side at nag-cheer pa rin siya kay Ginno. Tiningnan ko si Stacey at nakangiti lang siya.

"At number 27, Troy Mendoza!" Number one fan talaga ni Troy si Tiffany. Grabe, talo pa niya 'yong buong gymnasium sa sigaw niya.

"Go, Boo! I love you!" sigaw ni Tiffany. Tumingin sa kanya si Troy tapos nag-flying kiss siya. Kilig na kilig naman si Tiffany at panay hampas siya sa 'kin.

"Last but not the least, number 12, Shawn Lucas Dela Fuente!" Paglabas ni Lucas, aakalain mong may lumabas na artista. Lalo siyang pumogi ngayon. Kita kasi 'yong braso niya at ang macho pala niya ha. Ngayon ko lang napansin.

"Hoy, Bee! Mag-cheer ka kay Shawn!" sigaw sa 'kin ni Stacey.

"Ay, oo nga 'no?" Hinintay ko na tumingin dito si Lucas tapos sumigaw ako."Go, Lucas! Go, Badburn!" Ngumiti sa 'kin si Lucas at grabe 'yong tingin niya sa 'kin, nakakatunaw.

Bakit ang gwapo ni Lucas?

"Now we're going to introduce the Phoenix Basketball Team!" Pagkasabi pa lang no'n, sigaw na naman nang sigaw 'yong mga tao. Lalo na ang Powerpuff Girls.

"Number 39, Edward Sy!" Si Blossom, todo-cheer. Tiningnan ko si Stacey sa reaksyon niya at parang diring-diri siya kina Blossom at Edward. Hindi na 'ata mawawala 'yong hatred niya sa dalawa.

"Go, babe!" Habang sinisigaw niya 'yon, nakatingin siya kay Stacey at parang nang-aasar pa.

"Aba, sasabunutan ko 'yang retokadang 'yan e!" Pinigilan na lang namin siya. "Pasalamat siya, hindi ko pumapatol sa pangit," hirit pa niya.

"At number 89, Six Arrelano!" Aba, itong si Bubbles, lume-level kay Tiffany sa pag-cheer ha. Pinagmasdan ko sila. Mukhang bagay naman sila.

"Next, number 26, Travis Mendoza!" Paglabas niya, akala ko lumabas ulit si Troy. Magkamukhang-magkamukha sila e Magkasunod pa sila ng number ni Troy.

The Good Girl's Revenge (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon