Chapter 17: Mystery girl

2.7M 60.8K 30.5K
                                    

STACEY

Kanina pa nakatulala si Candice simula nang nakita namin sina Kim. Hindi ko alam kung ano ba talagang iniisip niya pero sumisigaw 'yon ng JEYDON.

"Candice?"

Natauhan siya bigla sa napakaganda kong boses. Tiningnan ko siya. Oo nga, sina Jeydon at Kim 'yong iniisip niya. Kahit papaano, may impact pa rin pala sa kanya 'yong dalawa.

"Iniisip mo sila." Napangiti siya. "Ang maganda, dapat matalino. Kaya alam ko na 'yong iniisip mo. Ano na naman 'yang iniisip mo about them?" Mas lalo lang lumapad 'yong ngiti sa mukha niya.

"Iniisip ko kung paano ko gagawin 'yong paghihiganti ko sa kanilang dalawa. Not in a super bad way, but in a sweet way." Akala ko kung anong paghihiganti na 'yong gagawin niya.

Nakakatuwa na kahit malaki na 'yong pinagbago ni Candice, hindi pa rin nawawala 'yong kabaitan niya.

Kung ako 'yong niloko at sinaktan nang gano'n, baka napaka-brutal ng paghihiganti ko kina Kim at Jeydon. Baka ipalapa ko pa silang dalawa sa mga aso ko!

Pasalamat si Blossom, hindi ko gano'n minahal 'yong Edward na 'yon at hindi ako nasaktan nang sobra. Kung nangyari man 'yon, sigurado akong nanghihiram na sila ng mukha sa aso. Stupid me. Matagal na nga pala silang nanghihiram ng mukha sa aso.

"Naisip ko lang. Bakit kailangan kong iwasan si Jeydon? Hindi ba mas maganda na mas mapalapit ako sa kanya?"

"Anong plano mo?"

"Magiging malapit ulit ako kay Jeydon. In that way, maiinis ko lalo si Kim. At the same time, ipapamukha ko kay Jeydon kung sino 'yong pinakawalan niya." Iba talaga siyang mag-isip. Sige na, mas matalino na siya sa 'kin. "Hindi ko siya pwedeng pilitin na mahalin ako. Pero pwede kong ipamukha sa kanya kung ano 'yong sinayang niya."

That's the sweetest revenge I've heard.

"Kung ano man 'yang naiisip mo na plano, Bee, count me in."

"Thank you, Bee! Alam ko naman na palagi kang nasa tabi ko e." Of course, yes! Sino pa bang magtutulungan kung hindi kapwa magaganda rin?

"Magkita na lang tayo sa uwian. Kailangan ko nang pumunta sa class ko," paalam ko kay Candice.

Naglakad na ako papunta sa room ko. Syempre, chin up, stomach in and show them your beautiful face. 'Yan ang tinatawag na poise. Stacey's Beauty Tip 101.

Naisip ko tuloy bigla na sa ganda ko na 'to, nagawa pa akong lokohin ng lalaking 'yon. Sige, sabihin na natin na maganda si Blossom, pero para siyang Barbie doll, plastic at retokada. E ako? Hello? Au naturel ang ganda ko.

Teka nga lang. Kapag ba naiisip mo 'yong isang tao, nagkakatagpo kayo ng landas? Sa kamalasang-palad nga naman, nakita ko 'yong dalawa. Nakita rin naman nila agad ako.

Tinaasan ko agad si Blossom ng kilay. Aba, hindi niya ako pwedeng maunahan sa katarayan. Remember, I'm the Queen Bee. "Look who's here! Isang basurera at isang basura."

Tumawa si Edward.

"Hanggang ngayon, bitter ka pa rin, Stacey? Why? Are you still in love with me?" Wow ha, bumoboses na 'tong si Edward. Dati alalay lang ang peg niya kay Blossom. Aba, level up!

"Excuse me lang diyan sa makapal mong mukha 'no. I've never been in love with you." Feeler lang ang peg? Ilang page ba 'yang mukha niya? Ang kapal e.

"Wow, talaga lang ha?" lumapit sa 'kin 'tong si Blossom. "Kaya pala ang bitter mo riyan! Halata naman na patay na patay ka pa rin sa babe ko. Pareho kayo niyang best friend mo. Parang aso, ang hilig maghabol."

The Good Girl's Revenge (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon