Chapter 23: Stuck with each other

2.6M 63.5K 37.2K
                                    

Nakaupo lang ako sa mga bench habang si Jeydon naman, nakahiga pa rin sa gitna ng court. Hindi ba siya nilalamig diyan?

Tiningnan ko 'yong cellphone ko pero wala pa ring signal. Ano 'to? Nasa bundok ba kami? Pambihira naman o. Kasalanan 'to no'ng nag-text sa 'kin e. Ano bang plano niya? Pati ba si Jeydon pinapunta niya rito? O baka naman si Jeydon 'yong nag-text sa 'kin? O talagang napadaan lang siya rito? Amp! Mababaliw na ako sa kakaisip.

Biglang tumayo si Jeydon tapos naglakad siya papalapit sa 'kin. Akala ko kung anong gagawin niya pero umupo lang siya sa tabi ko. Kapal niyang umupo sa tabi ko. Sana tinanong muna niya ako kung gusto ko siyang katabi.

"Ang lamig pala ng sahig."

"Hindi ko tinatanong."

"Bakit? Ikaw ba kinakausap ko?"

Napatingin ako sa kanya bigla. Hindi ako makapaniwala. Hanggang ngayon pala, masama pa rin talaga 'yong ugali niya. Ang yabang niya pa rin at buti na lang, hindi ako natangay ng hangin niya. "Sino kayang kinakausap niya? Multo? Tsss," bulong ko sa sarili ko.

"Balita ko nga, may multo raw rito. Luma na kasi 'tong gym." Seryoso ba siya sa mga sinasabi niya?

Bumilis agad 'yong tibok ng puso ko. Takot ako sa multo kahit na noon pa. Hapon pa lang pero medyo madilim na kasi nakatakip 'yong mga bintana. Kaso pakiramdam ko, niloloko lang ako ni Jeydon. Akala naman niya matatakot niya ko. Asa siya! Sorry, but not sorry. I'm not scared.

"Multo? So what?" sabay tawa ng malakas. Akala naman niya matatakot ako? Please. Hindi niya ako matatakot. Walang multo kapag araw. "Multo ha."

"Oh my gosh!" Sa gulat ko, napakapit agad ako bigla sa braso ni Jeydon. Shet! Wala na bang pinipiling oras ngayon 'yong mga multo? "What's that?" Tumawa nang malakas si Jeydon.

"Hindi pala takot." No'ng pumasok sa isip ko na nakakapit nga pala ako sa braso ni Jeydon, bigla akong lumayo sa kanya. Anong pumasok sa isip ko at nagawa ko 'yon? Ew ha. "Ang tapang mo pa kanina, takot ka rin pala." Tawa pa rin siya nang tawa. Tiningnan ko nga siya nang masama. Sige, tawa pa! Akala mo naman nakakatawa.

"Tangek! Joke lang 'yon. Hindi naman talaga ako natakot e." Tumawa ako tapos tumalikod ako sa kanya.

"Ako, natakot?" Slight lang naman ha? Leche talaga. Nakakahiya 'yong nagawa ko. Lupa, pwedeng kainin mo muna ko ngayon?

Alas kwatro pa lang ng hapon. Ilang oras pa ba 'yong natitira para may pumunta rito at buksan 'yong pintuan nitong gym na 'to? Hindi ko na ata kayang tagalan 'yong kayabangan ng kasama ko.

Pinatong ko lang 'yong ulo ko sa mga tuhod ko. Mabilis lang naman siguro lumipas 'yong oras. Sigurado ako, hindi ko na rin mamamalayan na gabi na.

"Sa hindi inaasahang... pagtatagpo ng mga mundo..."

Bakit sa lahat pa ng pwede niyang kantahin, bakit theme song pa namin? Nananadya ba siya?

Sa tuwing naririnig ko 'yong kanta na yan, hindi ko maiwasang maisip 'yong mga masasayang nangyari sa 'min noon. 'Yong mga panahon na mahal na mahal pa namin 'yong isa't isa. Muntik na akong matawa sa naisip ko. Ako nga lang pala 'yong nagmahal sa 'ming dalawa, ako lang.

Inangat ko 'yong ulo ko pagkatapos ay tumingin ako sa kanya.

"Jeydon, itigil mo na 'yang pagkanta mo."

Natigilan siya sa sinabi ko. Nagkatinginan kaming dalawa at nagulat ako kasi bigla siyang ngumiti. Jeydon's evil smile. What's with the smile? May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"Bakit mo ako pinapatigil? Naaalala mo ba 'yong mga nangyari sa 'tin noon? Akala ko pa naman naka-move on ka na." Wow ha. Ilang page ka, Jeydon? Ang kapal e.

The Good Girl's Revenge (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon