Chapter 34: Letting go

2.1M 51.3K 18.9K
                                    

CANDICE

It's been a week simula no'ng bumalik ako rito sa Pinas. Isang linggo ng pag-iisa at pag-iisip.

Kasabay kong umuwi si Lucas pero hindi kami nag-uusap hanggang ngayon. Binigay niya sa 'kin 'yong space na kailangan ko para makapag-isip.

Si Jeydon naman, balita ko ay nakauwi na siya kahapon kasama 'yong pamilya niya, si Marky, at si Kim.

Sa totoo lang, ako 'yong pumiling mapag-isa sa loob ng isang linggo. Nakiusap ako sa kanilang lahat na bigyan muna ako ng space. Naiintindihan naman nila ako pero alam ko na nag-aalala sila sa 'kin, lalo na si Mama. Gusto ko lang kasi na makapag-isip nang mabuti. Pakiramdam ko, kailangan ko rin na mapag-isa. Alam na nilang lahat 'yong nangyari kay Jeydon. Katulad ko, lahat sila ay nagulat at hindi alam kung anong magiging reaksyon. Partly, may idea na sila kung anong pinagdadaanan ko ngayon.

Kung iisipin mo, sobrang komplikado ng lahat.

Naghiwalay kami ng taong mahal ko dahil ang buong akala ko, niloko niya ako at ipinagpalit sa ex-girlfriend niya. Lahat ng sakit na naramdaman ko, lahat 'yon ay binago ako. Naging mas malakas at matatag ako. At dahil din sa sakit na 'yon, binalak ko na maghiganti. Ang hindi ko namamalayan ay binulag na pala ako ng paghihiganti ko. Ginawa niya akong bato. Lahat ng pagmamahal ko para kay Jeydon, natabunan ng galit. Lahat ng emosyon ko ay tila nakatago na parang anino. Sa sobrang pagsisinungaling ko, pati sarili ko, naloko ko.

Kung may maganda man na naidulot ang lahat ng 'to, iyon ay napansin ko 'yong isang tao na matagal kong hindi nakikita at napapansin dahil kay Jeydon.

Noon pa man, no'ng mga bata pa kami ay ipinaramdam na sa 'kin ni Lucas kung gaano ako kahalaga sa kanya. Hindi ko man nakita noon pero siya 'yong taong palaging nasa tabi ko. 'Yong taong hindi ako iiwan ano man ang mangyari at 'yong hindi umalis sa tabi ko kahit na nasasaktan na siya. Kahit kailan, hindi ko siya nakita dahil lahat ng atensyon ko ay na kay Jeydon. Palagi niya akong pinapasaya kapag nakikita niya akong malungkot. Iniintindi niya ako kapag mainit 'yong ulo ko. At higit sa lahat, minamahal niya ako kahit hindi ko siya kayang mahalin.

Ngayon, masasabi ko na mahal ko na talaga siya. Ipinaramdam niya sa 'kin kung gaano ako ka-special na tao. Ipinaramdam niya kung gaano niya ako kamahal. Palagi akong masaya kapag kasama ko siya. Hindi ko maiisip na kaya niya akong saktan. He is just so perfect and too good to be true.

Okay na sana ang lahat, para sa 'kin at kay Lucas, pero bigla kong nalaman ang katotohanan. Lahat ng galit ko kay Jeydon, nawala. 'Yong mga emosyon at nararamdaman ko na nagtatago sa galit ko, lahat ay lumitaw pabalik.

All this time, I've been lying to myself.

Hindi totoo na wala na akong pakialam sa kanya. Hindi totoo na hindi ko na siya mahal. At hindi rin totoo na kinalimutan ko na siya.

It was all just a lie. A lie to cover up all the pain. A lie that I made myself believed.

"Appa, would you still be proud of me?"

Hinaplos ko 'yong lapida niya. Matagal-tagal na rin akong hindi nakapunta sa puntod ni Papa. Masyado akong nabago ng galit ko na kahit si Papa, nakalimutan ko.

"I'm sorry. I'm sorry for failing you. I know you're disappointed in me. It's not the right thing to do, to take revenge, but I still continued to do it..."

Tumingin ako sa langit at pumasok sa isip ko 'yong mukha ni Papa. Naiisip ko man na magagalit siya sa 'kin pero kapag nakikita ko 'yong mukha niya, alam ko na hindi niya kaya. Dapat noon pa lang kasi ay hindi ko na tinuloy lahat ng paghihiganti ko. Wala naman akong napala e. Kung meron man, 'yon ay naging matatag ako. Pero sa buong panahon na naghihiganti ako, marami akong nasaktan—kasama na ang sarili ko.

Sa lahat ng mga nangyari, may natutunan akong isang bagay. Wala pala talagang magandang patutunguhan ang paghihiganti.

"Appa, do you think I should really let go of him? Will it be worth it?"

Napabuntong-hininga na lang ako. Hindi man nagsalita si Papa, alam ko na 'yong sagot sa tanong ko.

Yes, I should let go of him.

Pagod na ako na ipaglaban kung ano mang meron kami ni Jeydon. Pagod na akong masaktan at umiyak. Pagod na ako sa napakakomplikado naming sitwasyon. Pagod na pagod na ako.

Gusto ko naman na maging masaya.

Siguro nga, hindi talaga kami ang itinadhana para sa isa't isa dahil kahit anong gawin namin, palagi na lang kaming pinaghihiwalay.

Mahal siya ni Kim, mahal ako ni Lucas. Mas mabuti na rin siguro na mahalin na lang namin silang dalawa. Baka sakali lang na sumaya na rin kaming dalawa at wala pa kaming nasaktang iba.

Mas maaalagaan ni Kim si Jeydon. Sinabi man niya na may isang taon na lang siyang mabubuhay, para sa 'kin ay hindi 'yon mangyayari. Hindi siya pwedeng mamatay kasi hindi ko kakayanin. Mawala man ang lahat ng pagmamahal ko sa kanya, hindi maalis no'n ang pag-aalala ko sa kanya. Isa siyang malaking parte sa buhay ko. Kung ano ako ngayon, dahil 'yon sa kanya.

Minsan talaga, may mga taong mananatili sa puso mo pero hindi sa buhay mo. At gano'n kaming dalawa ni Jeydon.

"Hi." Napatingala ako sa nagsalita na 'yon at nakita ko si Lucas. Ngumiti siya sa 'kin at umupo sa tabi ko. "Kumusta naman 'yong pag-uusap niyo ng appa mo?"

"Okay lang. Alam ko nakikinig lang siya sa 'kin." Tiningnan niya ako sa mata ko.

"Tito Danny, kung naririnig niyo man ako, gusto kong sabihin na mahal na mahal ko 'yong anak niyo. Kung bibigyan niya ako ng pagkakataon, aalagaan ko siya at mamahalin nang sobra. Kung mangyayari man 'yon, sana boto kayo sa 'kin." Tumawa siya nang bahagya. Napangiti na lang ako. Para sa 'kin, napaka-sweet ng mga sinabi ni Lucas.

Sumandal ako sa balikat ni Lucas habang nakatingala sa napakagandang langit.

"Kaya mo ba talaga akong hintayin?" tanong ko sa kanya.

"Hihintayin kita kahit gaano katagal, kahit na maghintay ako sa wala. Hihintayin kita kahit na anong mangyari kasi mahal kita. Mahal na mahal."

Ang sarap pakinggan ng mga sinabi ni Lucas. Matagal na akong hindi naging ganito kasaya. Kapag kasama ko siya, ang gaan lang ng pakiramdam ko at ang saya ko lang. Wala akong kahit na anong iniintindi. "Then, wait for me..."

Hinawakan niya 'yong kamay ko pagkatapos ay sinandal niya rin 'yong ulo niya sa ulo ko.

"Gusto kong maging worthy sa lahat ng pagmamahal na pinapakita mo sa 'kin. Ayokong maging unfair sa 'yo. Gusto ko na mahalin ka nang buo. Bigyan mo pa ako ng panahon para mawala nang tuluyan si Jeydon sa puso ko at pagkatapos no'n, pwede na kitang mahalin."

Hinarap niya ako sa kanya. Hinawakan niya 'yong mukha ko habang nakatitig siya sa mga mata ko. Pakiramdam ko, bumilis 'yong tibok ng puso ko. Para akong tinatawag ng mata niya.

"'Wag kang magmadali. Hindi ako aalis sa tabi mo. Hindi ako mapapagod na maghintay para sa 'yo. I'm willing to sacrifice anything for you." Nilapit niya ako sa kanya pagkatapos ay niyakap niya ako nang mahigpit. "I love you so damn much, Candice."

Napangiti ako.

Yes, it's time to let go and be happy.

The Good Girl's Revenge (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon