Chapter 10: Dead and gone

3M 67.6K 21K
                                    

CANDICE

"Welcome back." Ngumiti ako sa kanya. "Napagod ka ba?" Sumandal agad ako sa upuan ng kotse niya. I'm really tired, physically.

"Yeah, I'm tired, Lucas, but I'm fine. How's everyone?" Tiningnan ko siya. Tumingin din siya sa 'kin. Ngumiti lang siya. "Wala naman bang nagbago?"

"Sa kanila wala, pero sa 'kin meron." Tinaasan ko siya ng kilay, dahilan para tumawa siya. "Wae?"

"You're the least person I expected to change. Hindi na ba ikaw 'yong Lucas na nakilala ko?"

"May na-realize lang ako no'ng nawala ka."

"What's that? Tell me." Hinawakan ko 'yong kamay niya kahit na alam kong nagmamaneho siya. My curiosity is killing me.

"Look, I'm driving, Noona. It's a secret, okay?" Tumawa na naman siya. Kailan pa ba siya naglihim sa 'kin? Nagbago na ba talaga siya? Well I think I'm not the only one who changed. Madami na rin sigurong nagbago since I left.

"Fine." Pinikit ko 'yong mata ko habang nakasandal pa rin sa upuan.

"Umaasa ako na sa pagbalik mo, hindi ka magbabago." Ngumiti ako.

"Sorry, pero hindi na ako 'yong dating Candice. Nagbago na ako, nagbago na si Candice."

Hanggang makarating kami sa bahay, naging tahimik lang kaming dalawa ni Lucas. Hindi ko alam pero na-disappoint 'ata siya sa mga sinabi ko. I guess he really doesn't want me to change.

"Hindi ka na ba papasok sa loob?" Nilapag niya 'yong mga bagahe ko sa harap ng bahay.

"Hindi na. May kailangan din kasi akong gawin. I'll just visit you next time." Hinawakan ko 'yong kamay niya.

"Thank you, Lucas."

Ngumiti siya sa 'kin pagkatapos ay umalis na siya. Nag-doorbell ako at saktong si Yaya Linda 'yong nakabukas ng pintuan.

"Hi, baby girl. Na-miss kita gyud." Niyakap niya ako nang mahigpit. Nauna umuwi rito si Yaya. Kasabay ng pag-uwi ni Stacey. "Teka, iakyat ko na 'yong gamit mo. Nando'n sina Charles sa kusina.''

"Salamat, Yaya."

Dumiretso agad ako sa kusina namin. I never thought na hahanap-hanapin ko 'yong bahay namin. I miss this place. Pagkauwi ko kasi six months ago, bumalik agad ako sa Korea. I didn't have time to stay here.

Finally, I'm back for good.

"Candice!" Lumapit agad sa 'kin si Mama at niyakap ako. "I miss you so much, baby." Niyakap ko rin siya.

"I miss you too, Mama." Bigla naman sumabat si Kuya Charles sa pag-uusap namin ni Mama.

"Hi, Manang, na-miss din kita." Lumapit ako sa kanya, hinawakan ko 'yong noo niya.

"Wala ka namang sakit ah? Na-miss mo talaga ako, Kuya? Ayiee!" Sinamaan niya ako ng tingin. Tsk. Biniro lang siya, sinamaan na agad ako ng tingin pero lumapit naman siya sa 'kin tapos ginulo niya 'yong buhok ko. He's still treating me like a small girl.

"Sira ka talaga. Akala ko nagbago ka na pero hindi pa rin pala. Ikaw pa rin 'yong little sister ko." Natigilan ako sa sinabi niya.

I guess I didn't totally change. Kahit papaano pala, ako pa rin 'yong Candice na anak ni Mama at 'yong Candice na kapatid ni Kuya Charles. But that's it. Aside from that, wala na.'yong dating ako.

"Oo nga pala, kumain ka na ba?" pag-iiba ni Kuya ng usapan. Napansin din 'ata niya na natahimik ako bigla.

"Busog pa ako. Pagod lang ako. I'll just take some rest."

The Good Girl's Revenge (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon