Chapter 52: Battle for love

1.9M 49.5K 14.7K
                                    

"Roo!"

Inaantok pa rin ako kaya hindi ko minulat 'yong mga mata ko kahit na kanina ko pa naririnig 'yong kahol ni Cholo. Mamaya ko na lang siya iintindihin—

"Ouch!" Namulat agad 'yong mga mata ko sa ginawa ni Cholo. Bigla na lang siyang tumalon sa tiyan ko. "Bad dog! Bad doggie!" Nagising tuloy ako nang wala sa oras. Ano bang problema ni Cholo? "Gutom ka na ba?" Ginalaw-galaw niya 'yong buntot niya tapos tumalon ulit siya.

What's wrong with my dog?

"Roo!" Tumalon siya sa study table ko at buti na lang, matibay 'yon dahil kung hindi, nasira na 'yon dahil sa laki niya. "Roo! Roo!" Parang may kung ano siyang nakita sa labas kaya dali-dali akong pumunta roon para silipin kung anong meron sa labas.

"Omo!" Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang gulat. "Anong ginagawa niya riyan?" Alas-singko pa lang ng umaga tsaka hindi pa nga sumisikat 'yong araw.

Tumunog bigla 'yong phone ko at nakita ko siyang tumatawag sa 'kin. Sinagot ko agad 'yon habang nakatingin pa rin ako sa kanya. Ano bang nasa isip niya?

"Hello?" Kahit nasa malayo siya, kitang-kita ko pa rin siya at bigla siyang ngumiti sa 'kin.

"You're my piece of mind in this crazy world... You're everything I've tried to find... Your love is a pearl..." Kinanta niya 'yong "Beautiful In My Eyes" habang nakatitig siya sa 'kin. Pambihira! Muntik na akong matunaw. Pwedeng kiligin? Kyaaah! Ang ganda ng boses niya. "Good morning, beautiful."

"Ah... uhm... go-good morning." Natawa siya bigla. Nakakahiya 'yong inaasal ko. What's happening to me? "Anong nakakatawa? Ang aga-aga, anong ginagawa ko sa tapat ng bahay namin?!" Napakamot siya ng ulo.

"I'm guarding you."

"Ano ka? Bodyguard? Tsaka nasa bahay ako kaya safe ako rito. Aish! You're unbelievable." Tumawa na naman siya. May nakakatawa sa sinabi ko? "Kanina mo pa ako pinagtatawanan ha!"

"I'm sorry, okay? I just find it cute when you're acting mad but deep inside, you're blushing." Wow ha. Nosebleed.

"Ano bang nakain mo, Jeydon Lopez, at panay English ka ha? Tapos pakanta-kanta ka pa riyan. Akala mo naman kagandahan 'yong boses mo."

"Yah! Hindi mo ba nakita na sobrang effort 'yong ginawa ko sa pagkanta no'n? Hindi naman maganda 'yong boses ko e. Aish, I thought you're gonna like it." Bigla siyang nalungkot. "Fine, I'll go. See you later." In-end niya 'yong call tapos nagsimula na siyang maglakad palayo. Galit ba siya?

"Jeydon!" sigaw ko pero parang wala siyang narinig. "Weirdo ka talaga!"

Naglagay agad ako ng jacket tapos tumakbo ako pababa at palabas ng bahay. Nakita ko si Jeydon sa hindi kalayuan. Tumakbo ako papunta sa kanya tapos hinila ko 'yong braso niya.

"Jeydon Lopez!"

Pagharap niya sa 'kin, naka-poker face na siya. Ang hirap na basahin kung anong pumapasok sa isip niya.

"Candice Gonzales," poker face pa rin niyang sabi. "Is there something wrong?" Tiningnan ko siya nang masama.

"Sorry sa sinabi ko. Ang totoo, kinilig talaga ako sa ginawa mo. 'Yan, okay na? Hindi ka na ba galit ha?" Ngumisi siya tapos humakbang siya papalapit sa 'kin. Tinitigan niya ako sa mata ko. "Wae?"

"Masyado kitang mahal kaya hindi ko kayang magalit sa 'yo. Tandaan mo 'yan. And yes, I know. Alam kong kinikilig ka. I just acted mad for you to come down and do this." Hinawakan niya 'yong likod ng bewang ko tapos hinila niya ako papalapit para mayakap niya ako. Niyakap na naman niya ako nang mahigpit. "Five minutes. Five minutes lang."

The Good Girl's Revenge (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon