Chapter 43: Late night convo

2.1M 56.9K 25.1K
                                    

CANDICE


"Dito ka nagtatrabaho?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami papunta sa kotse ko.

"Hindi, hindi ako riyan nagtatrabaho. Tambay lang talaga ako riyan." Pilosopo niyang sabi tapos sabay tawa. Baliw talaga 'tong pusa na 'to. "Ikaw talaga. Do I need to state what's obvious?" 'Yong kilay ko kanina hanggang langit lang. Ngayon, aabot na sa Mars sa taas. Namimilosopo na nga, nag-English pa.

Masama ba i-confirm kung dito siya nagtatrabaho? Oo o hindi lang naman 'yong sagot do'n e. "Psh. Buti hindi ka sumablay sa English mo," bulong ko.

"What's that?" Wow ha. Anong nakain niya at panay-English siya?

"Wala! Sabi ko gwapo ka sana pero bingi ka." Tumawa siya. Ano na naman sasabihin niya?

"Ayos ba pag-i-English ko? Naisip ko lang kasi na dalasan 'yon para mas lalong lumakas 'yong dating ko." Tawa pa rin siya nang tawa. "Sobrang gwapo ko talaga."

"Tss. Gwapo pero conceited naman," bulong ko ulit sa sarili ko. Hindi nag-react si Jeydon. Baka hindi niya alam kung ano 'yong conceited.

"Nasa'n 'yong susi?" tanong niya habang nakatayo siya sa harap ng kotse ko. Seryoso ba talaga siyang ihahatid niya ko? Parang nawala na tuloy 'yong antok ko. "Candice? Are you listening?" ibinalik ko kay Jeydon 'yong atensyon ko. Wow ha. Consistent siya sa pag-i-English niya. Hinagis ko sa kanya 'yong susi ng kotse. I'll let him drive since pagod na rin ako at hindi ko na rin kaya mag-drive.

Pumasok agad ako sa loob ng kotse. Gustung-gusto ko na magpahinga at mahiga sa kama ko. Nakakapagod din pala mag-drive nang malayo? From Fairview to Cubao at papunta rito sa Taguig. Sa Korea kasi wala masyadong traffic unlike dito na...Ugh, nevermind.

Pumasok na rin si Jeydon sa kotse. Tinanaw ko 'yong babae na kumausap sa kanya kanina at malayo na siya. Sino kaya 'yon?

"Nasa'n ba 'yong boyfriend mo? Pinapabayaan ka niyang mag-isa. Anong oras na," inis niyang sabi. Si Lucas siguro 'yong tinutukoy niyang boyfriend ko.

"Kaya ko na 'yong sarili ko tsaka isa pa, sure ka bang okay lang na ihatid mo ko?" tanong ko sa kanya.

"Paano 'yong girlfriend mo?" Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at sinabi kong girlfriend niya 'yon. Ano nga bang iniisip ko? Kasi naman Jeydi 'yong tinawag niya kay Jeydon kanina. Sa pagkakaalam ko, mahahalagang tao lang pwedeng tumawag sa kanya no'n.

Tahimik lang si Jeydon habang hawak-hawak niya 'yong manibela pero maya-maya, tumawa na siya nang malakas. Sabi na nga ba e, may iniisip na naman siya.

"Jealous much, Candice?" tanong niya tapos tumingin siya sa 'kin habang nakangisi. Anong pinagsasabi niya? Ako? Magseselos? Asa pa 'no. "Just say it. Straight to the point. Jeydon, nagseselos ako. Mahirap ba 'yon?" Napataas ako ng kilay ro'n.

Hindi ko rin tuloy napigilan na matawa. "Selos agad? Hindi ba pwedeng nagtatanong lang? Hindi ako nagseselos, okay?" Pareho kaming natahimik but I can still see him smirking.

"Wala sa batas na bawal magselos kaya 'wag kang matakot magsabi ng nararamdaman mo," nakangisi pa rin niyang sabi. Iniisip niya talaga na nagseselos ako? E duh! Nagtatanong lang ako.

"Wala akong karapatan na magselos kaya pwede ba? Tigilan mo na ko, Jeydon," tinarayan ko siya. Ihahatid na nga lang niya ako, ang dami pa niyang sinasabi.

"Ang pagseselos, wala sa karapatan. Nasa nararamdaman 'yan." Nagulat ako sa sinabi niya kaya napatingin agad ako sa kanya. "Tignan mo ako. Kahit na wala na tayo, nagseselos pa rin ako kay Shawn. Oo, wala na akong karapatan sa 'yo pero anong magagawa ko? E sa ayon 'yong nararamdaman ko." Nagseselos siya kay Lucas? Bakit? Akala ko ba pareho na kaming nag-let go? "Iuuwi na nga kita at baka mas gabihin pa tayo."

The Good Girl's Revenge (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon