Chapter 56: Road to Forever

1.9M 51.2K 19.2K
                                    

CHARLES

"One, two, smile."

Ngumiti siya na para siyang anghel. Masakit man, pero sa malayo ko na lang siya nakikita. Aaminin ko na mataas talaga 'yong pride ko kaya simula no'ng nag-away kami no'n dahil kay Xander, hindi pa ako nagkalakas nang loob na kausapin ulit si Serina. Bwisit na pride kasi 'to e! Hindi ko talaga maalis. Ganon 'ata talaga kapag gwapo ka e.

"Okay, Serina and Xander. Break muna tayo," sabi ng photographer.

Hinawakan ng gagong Xander na 'yon 'yung kamay ni Serina. Konting-konti na lang talaga, masasapak ko na siya e. Bubugbugin ko siya hanggang sa masira 'yong pangit niyang mukha. Sa itsura lang niya, halata nang wala siyang gagawing tama sa girlfriend ko.

Sandali, girlfriend ko pa nga ba si Serina? Kami pa rin kayang dalawa? Tss, oo naman, hindi pwedeng hindi! Pero kasi...

Taena naman. Totoo pala talaga 'yong relationship status sa Facebook na 'It's Complicated'.

"Serina, roon muna tayo?" Tumango sa kanya si Serina tapos inalalayan siya ng unggoy na 'yon sa lamesa sa hindi malayo. "Napagod ka siguro? Magpahinga muna tayo."

"Salamat, Xander."

Ngumiti sa kanya si Serina. Tss, nakakangiti ka pa riyang amazona ka? E ako nga halos gabi-gabing umiiyak. Biruin mo, 'yong pusong bato na katulad ko, umiyak dahil sa 'yo? Hindi pa ba sapat sa 'yo 'yon para mapakita ko lang na mahal na mahal kita?

"Ang gwapo ni Xander!" sabi ng isang babae sa harap ko.

"Tall, white, and handsome pala siya 'no?" dagdag ng kasama niya.

Nandito kami sa coffee shop na pinagtatrabahuhan ni Jeydon. Marami ring babae rito na nanonood ng photo shoot nina Xander at Serina. Aaminin ko, sikat na modelo si Xander at ayon lang siguro 'yong lamang niya sa 'kin. Akalain mo 'yon? 'Yong unggoy na katulad niya, naging sikat na model?

"Sino ba 'yong kasama ni Xander?" sabi no'ng isang babae na kasama nila.

"Hindi ko alam e. Ang pangit naman." Lumaki bigla 'yong mga mata ko sa sinabi nila.

Pangit si Serina? Nagpapatawa ba sila? Alam ba nilang mukhang anghel 'yang girlfriend ko? At sa kanila pa talaga nanggaling 'yon? E mukha rin silang unggoy e."

"Nilalandi niya si Xander para sumikat din siya. Ang cheap niya," dagdag non'g isa.

Hindi ko na napigilan 'yong sarili ko. "Sa mga pagmumukha niyong 'yan, mas mukha kayong cheap," singit ko.

Nagulat silang apat sa 'kin.

"Sino ka naman?" pagtataray ng isa.

"Ako 'yong boyfriend ni Serina."

"Mukha nga. Pareho kayong pangit e," sabi no'ng isa. Aba! Wala pang tumatawag na pangit sa 'kin maliban kay Manang at kay sweety pie.

"Kaya nga. Kaya pala si Xander na 'yong nilalandi ng girlfriend mo kasi ang pangit mo." Tumawa silang apat.

Taena! Ako, pangit?!

Dahil lang sa ayokong makita ako ni Serina, nagsuot ako ng shades at cap. Para sa mga babaeng 'to, tatanggalin ko 'yon. Makikita nila ang tunay na batayan ng kagwapuhan.

Pagkatanggal ko pa lang ng cap at shades ko, nanlaki agad 'yong mga mata nila at literal silang napanganga.

"Wow... ang gwapo pala niya," sabi no'ng babaeng tumawag sa 'kin nang pangit.

"Oo nga... mas gwapo pa 'ata siya kay Xander." Natawa na lang ako sa mga reaksyon nila.

"Sa susunod na sabihan niyo na malandi 'yong girlfriend ko, ako 'yong makakalaban niyo," seryoso kong sabi.

The Good Girl's Revenge (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon