Chapter 51: Grandmother

1.8M 53.3K 36.1K
                                    

"Candice!"

Natulala na lang ako sa nakita ko. Mag-iisang taon na rin simula no'ng nakita ko siya kaya hindi ko naiwasan na manibago sa itsura niya. Nakakamangha lang na imbes na magmukhang matanda, mas bumata pa 'yong itsura niya. Taray ng lola ko!

"Candice!" Tawag niya ulit sa 'kin. Bigla akong nataranta kaya tumakbo na ako papalapit sa kanya. "Bakit ang tagal mong lumapit?" Mataray niyang tanong. Hindi pa rin siya nagbabago. Nag-bow ako sa kanya para humingi ng sorry.

"Sorry, Halmoni, mianhae." Tumaas 'yong kilay niya at napatingin siya sa likod ko.

"Sino 'yang kasama mo?" Napalingon kami pareho kay Jeydon.

"He's Jeydon, Halmoni."

Naglakad papalapit sa amin si Jeydon at nag-bow naman siya agad kay Halmoni. "Annyeonghaseyo! Jeydon imnida."

"So, Koreano pala siya?" tanong ni Halmoni.

"Aniyo, he just knows how to speak Hangul."

Tiningnan ni Halmoni si Jeydon mula ulo hanggang paa at hindi maganda 'yong pakiramdam ko. Sa tingin pa lang niya na 'yon, alam ko nang ayaw niya kay Jeydon.

"Halmoni, here's your baggage." Napatingin agad ako sa nagsalita. Nanlaki 'yong mga mata ko no'ng nakita ko si Lucas na dala-dala 'yong mga bagahe ni Lola galing sa kotse. "Oh, hi there, Candice." Teka, alam ni Lucas 'to?

"Wala 'yong driver ko kaya nagpresenta na si Lucas na ihatid ako rito. Ang gentleman pa rin niya, hindi ba?" Ngumiti sa 'kin si Halmoni na parang may kung ano siyang pinapahiwatig sa 'kin. "Alam mo, Apo, bagay na bagay kayo ni Lucas. Right, Jeydon?"

Naubo ako bigla sa sinabi ni Lola tapos napatingin ako kay Jeydon. Tanging ngiti na lang 'yong naisagot niya kay Lola. Ang awkward. Ano kayang ibig sabihin ng ngiti niya na 'yon? Inaya ko na lang sila na pumasok sa loob. "Halmoni, mabuti pa, pumasok na lang tayo sa loob."

"Sige, pumasok na tayo."

Papasok na sana ako sa loob pero pinigilan ako ni Jeydon. "Mauna na ako."

"Sigurado ka ba?" Parang bigla siyang nalungkot pero pinilit pa rin niyang ngumiti.

"I don't think your Halmoni wants me here." Bigla siyang kumindat pero parang hindi siya okay. Bigla tuloy akong nahiya kay Jeydon. Kahit siya, naramdaman niya na ayaw sa kanya ni Halmoni. Biglang bumigat 'yong pakiramdam ko. "See you tomorrow."

Paalis na sana si Jeydon pero biglang nagsalita si Halmoni. "Jeydon, pumasok ka na rin sa loob." Pareho kaming nagulat sa sinabi niya. "Come on, you two," masungit na sabi ni Halmoni.

Wala na kaming nagawa ni Jeydon kaya pumasok na lang kami sa loob. Hindi talaga maganda 'yong pakiramdam ko rito.

"Nasaan si Charles at Candy?" tanong niya tapos naglakad siya papunta sa dining area.

"Halmoni, hinatid po nila si Auntie Pia sa airport." Biglang nagsalubong 'yong mga kilay niya. Para akong tuod na hindi makapagsalita at makakilos nang maayos.

"Bumalik siya sa Korea nang hindi ako hinihintay na dumating dito? She's really my daughter, impatient." The way she rolled her eyes, nakakatakot.

"May gagawin pa raw po siya roon, Halmoni."

"Whatever," pagtataray niya. Wala na talagang tatalo sa katarayan niya. Walang-wala si Stacey sa kanya. She's the Original Queen Bee.

Hanggang ngayon, takot pa rin ako sa kanya. Siya na siguro 'yong pinakamasungit na tao na nakilala ko pero kahit naman gano'n, mahal na mahal niya kami nina Mama. Kahit ganyan naman siya, sweet siya at kapag nasa mood, malambing. Siguro, gano'n lang talaga si Halmoni. Sa kanya nga 'ata nagmana si Papa.

The Good Girl's Revenge (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon