TD - 49

62.1K 1.4K 761
                                    

CHAPTER 49

CASIMIR’S POV

Hindi ko alam kung anong ginagawa ng hinayupak na ito sa school. Sa pagkakaalam ko wala siyang summer class.

Buti na lang naihatid ko na si Jhaz sa room kung saan nagpa-practice ang dance troupe kaya kung sakaling mag-sapakan man ulit kami hindi niya kami maaawat.

Ang balak ko talaga eh harangan siya pero mukhang 'yon din ang balak niyang gawin sa'kin.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Anong pake mo?"

"Wala si Alex dito." pagsisinungaling ko kasi kanina lang nagkita kami ni Alex sa cafeteria, sabay pa kaming tatlo kumain bago ang sumunod naming klase.

Nilabas niya ang cellphone niya at itinapat sa mukha ko. "Katext ko siya at ang sabi niya nasa field siya."

Uminit ang ulo ko. Bakit sa'kin hindi niya sinabi kung na saan siya? Madaya.

"'Wag mo na nga siya ite-text!" sinalubong ng inis kong tingin ang nang-iinis niyang mga mata. "Inaaksaya mo lang load niya."

"At bakit?"

"Wala ka kasing kwenta katext."

Ngumisi siya. "Edi loloadan ko na lang siya para mahihiya siyang hindi ako reply-an."

"Gago."

Tumawa siya. "Gago ka rin."

"Mas gago ka."

Alam mo 'yung halatang iniinis ka na lang niya at ikaw naman naiinis kaya natutuwa pa siya? Hinayupak talaga!

Tapos bigla na siyang tumakbo kaya tumakbo na rin ako at pansin kong papunta siya sa field. Nakipag-unahan ako sa kaniya pero halos sabay lang kaming dumating sa tapat ni Alex.

The DestroyerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon