TD - 32

104K 1.2K 294
                                    

CHAPTER 32

ALEX'S POV

Magkasama kami ngayon ni Des sa study hall para sana mag-aral kaso hindi naman aral itong ginagawa namin. Labasan ng mga problema ata ito.

Na-kwento niya nga 'yung narinig niya at mga kwento nung Pau raw na handler ng mga model.

Haay. Mga lalaki talaga oh sakit sa ulo.

She sighed. Ipinatong niya ang baba niya sa kamay niya, "Ayokong isipin na rebound ako pero 'te feeling ko kasi nagustuhan niya lang ako dahil sa mga pagkakaparehas namin ng ex niya eh."

"Ba't 'di mo tanungin?"

"Baka kasi isipin niya assuming ako?" she frowned.

Kumunot ang noo ko, "Paano ka naman magiging assuming?"

"Assuming in a sense na feeling ko ka-level ko 'yung ex niya? Ay 'te, kung nakita mo lang picture ng ex niya nako lang talaga."

"Maganda ba?" na-curious naman tuloy ako.

"Sabihin na nating pina-elegante or pina-classy na version ko? Matured siya."

I tapped her shoulder, "Ang mahirap kasi sa pagiging MU eh 'yung may gusto kang linawin pero 'di mo magawa kasi hindi mo alam kung may karapatan ka o wala."

She sighed for the nth time then, "Alex, samahan mo 'ko sa mall mamaya please!" inuga pa niya ang magkabilang balikat ko.

Hala. Eh may trabaho ako mamaya. Nakakaloko 'tong si Des.

"Ha? Uh eh... ano hindi ako pwede eh. May gagawin kasi ako mamaya," pagdadahilan ko.

She pouts, "Sus. Magde-date lang kayo ni Casimir eh. Hmp," nagkunwari pa siyang nagtatampo pero nakangiti naman ang baliw na ito.

Bahala siya. Isipin niya ng may date kami basta magta-trabaho ako.

Malapit na ang oras ng uwian. Siyempre trabaho time! Ewan ko kung bakit pero ngayon lang ako na-excite sa pagpasok sa trabaho.

The DestroyerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon