TD - 40

84.2K 1.3K 388
                                    

CHAPTER 40

CASIMIR'S POV

Magkasama kami ni Papa na naggo-grocery. Marami kasing gusto si Mama na hindi na namin alam kung bakit niya nagustuhan 'yon.

"Oh pickles check, pasta check, mushroom check. Okay na lahat Pa." sabi ko matapos kong i-check ang listahan namin.

"Teka, may nakita akong gatas do'n."

Nang makuha na namin lahat ng kailangan bilhin ay pumila na kami para magbayad.

Pagkarating namin sa bahay puro talak si Mama kay Papa.

"Bakit orange? Gusto ko apple!"

"Penelope, 'yan 'yung sinulat mo sinunod lang namin."

"Alam mo naman na mas gusto ko ang apple kaysa orange eh!"

Napahampas si Papa sa lamesa. "Ang labo mo." Halatang naiinis siya pero nananatili siyang kalmado.

"I hate you." Mama pouts.

"Yeah, whatever." tumayo si Papa at umalis.

"Clifford!" pero hindi bumalik si Papa.

Ang akward na meryenda naman 'to, oo. Tamad na inuubos ko na lang ang salad ko. Hindi na ako nagsalita dahil baka madamay pa 'ko sa sagutan nila.

"Nakakainis talaga 'yang Papa mo." nagpangalumbaba si Mama.

"Trust me Ma nagtitimpi lang si Papa."

Sumimangot nanaman si Mama. "Nagtitimpi na lang ba sa'kin Papa mo? Ayaw... ayaw na ba niya sa'kin kasi ang taba ko na? Ayaw na ba niya kasi ang takaw ko?"

Women and their insecurities.

"Ma, hindi lang siguro sanay si Papa. Wala naman kasi siya dati nung pinagbuntis mo 'ko 'di ba? Naninibago lang din siguro siya."

The DestroyerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon