TD - 23

125K 1.3K 255
                                    

CHAPTER 23

ALEX'S POV

Pagkagising ko ay agad akong bumangon para magluto ng almusal namin ni Axel.

Nag-prito ako ng dalawang itlog at nagsangag ng kanin.

Tinimplahan ko na rin siya ng gatas.

Ginising ko na si Axel nang makapag almusal na kami.

Matapos kami kumain ay pinaliguan ko na ang kapatid ko. Ang cute-cute talaga ng kapatid ko 'pag pinapaliguan ko. Hahahaha. Nanginginig sa ginaw eh. Matapos siya ay ako naman ang naligo.

Inaayos ko ang buhok ng kapatid ko. At inayos ko na rin ang gamit ko.

"Alis na tayo." sabi ko kasabay ng pag-sign language.

Nginitian naman ako ni Axel. Gwapo ng kapatid ko, oo.

Nang buksan ko naman ang pinto ko eh bumungad sa akin ang mukha niya at mukhang kakatok pa lang ata siya, naunahan ko lang na buksan ang pinto.

"Good Morning?" awkward pa ang pag ngiti niya.

Inirapan ko siya at ni-lock na ang pinto.

Nauna na akong naglakad kasabay ng kapatid kong nilalaro lang 'yung maliit niyang laruang eroplano. Nabigla naman ako nang buhatin niya si Axel.

"Okay ba?" tanong niya kay Axel kasabay ng pag-sign language.

"Marunong ka?" I asked pertaining of him doing the sign language.

"Konti lang. Tsaka basic pa lang."

Hindi ko na siya ulit pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.

Pansin ko rin ang paghagikgik at ang mahihinang tili ng mga babae na madadaanan namin.

"Uy sino 'yon? Ang pogi naman!"

The DestroyerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon