TD - 29

113K 1.2K 251
                                    

CHAPTER 29

ALEX'S POV

Kanina pa ako kinukulit nito ni Desiree dahil invited kami sa debut ni Belle. Though, alam kong labag sa loob niya na imbitahan ako.

"Alex asan ka ba kasi? Dali na, pumunta ka dito para maayusan kita." pangungulit niya. Break time kasi ngayon sa trabaho ko eh mamayang gabi na ang party tapos hindi pa rin ako nag-aayos. Uunahin ko muna ito bago iyon 'no, mas kailangan ko 'to.

"Ako na bahala sa sarili ko 'no, 'di na kailangan mag-ayos."

"Oh bakit, kasi maganda ka na? Utot mo. Paano ka pupunta mamaya? Sabay na kasi tayo!"

I let out an exasperated sigh. "Bahala na. Baka tamarin ako pumunta."

"Alex naman eh!"

Malapit na matapos ang break kaya nagpaalam na ako sa kaniya. Ang kulit talaga ng isang 'yon pero kahit ganoon 'yon, mabait naman.

"Oh 'te, tapos ka na makipag telebabad? Kausap mo nanaman si fafabelles mo?" mapang-asar na tanong ni Dyosa.

Inirapan ko na lang siya.

"O ano, nairapan ka? Pangit mo kasi," inasar naman siya ni Weng.

"Hoy bruha ka! Hindi mo ba alam na kung pangit ako wala ng maganda sa mundo!"

Dahil maingay silang dalawa ay nasita sila ni Sir Jericho.

Habang inaayos ko sa tray ang ilang pagkain na inorder sa table #8 ay nilapitan ako ni Sir Jericho. Sumandal siya at tinitigan ako. Hindi ba niya alam na nakaka-ilang 'yang ginagawa niya?

"Tigilan mo nga 'yan Si-... Jericho."

"Hmm... kayo pa ba ni Casimir?"

Napatingin naman ako sa kaniya. Bakit niya ba tinatanong? Anong pake niya?

"Bakit?"

The DestroyerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon