TD - 41

77.9K 1.3K 620
                                    

CHAPTER 41

ALEX'S POV

Balik ako sa normal kong buhay, 'yun bang simple at payapa lang. Tipong school-bahay-trabaho lang. Paminsan naman inaaya rin ako nila Desiree na umalis, hangout, pero ako na 'yung umaayaw, kasi nga busy ako sa pagpipilit na maging best among the rest para sa taong mahal ko. Lol. Taeng 'yan, mula nang mahalin ko si Casimir puro ka-cornihan at kalokohan na ata naiisip ko. Bwiset talaga 'yon, ang layo-layo na nga pero ang lakas pa rin ng tama ko sa kaniya.

Epal ka Casimir! Epal ka! Pero mahal kitang epal ka.

After ng first class namin pinamigay ko na sa mga kaibigan ko 'yung invitation para sa birthday ni Axel.

Gusto kasi siyang handaan ni Tito Conrad eh.

"Aww, sweet naman ng Tito Conrad mo." sabi ni Des.

I just smiled.

"Ay, bakit ayaw mo pa rin ba sa kaniya?"

"Hindi naman sa ayaw pero... Daddy's girl kasi ako eh kaya mahirap."

"I understand you Alex." sabi naman ni Belle. "Nung nawala si Mommy nagkaro'n ng girlfriend si Daddy dati pero ayaw ko sa kaniya kaya ayon naghiwalay din sila."

Hinampas naman ako bigla ni Desiree. "Nako Alex ha. 'Wag ka gagawa ng kung ano para lang maghiwalay Mommy mo at si Tito Conrad mo."

Natawa na lang kami ni Belle. Nagdadaldalan kami kasi wala pa kaming prof. Napalingon ako bigla sa likod nang marinig ko si Geoff,

"Oy Casimir!" nakita ko siyang may kausap sa cellphone.

Tumakbo ako agad sa kaniya para agawin 'yung phone niya. "Hoy Geoff pakausap sa kaniya!"

Biglang tumawa si Geoff at pinakita sa akin ang screen ng cellphone niya, wala naman pala siyang kausap sabay mapang-asar na sinabing, "Joke lang!"

"Henry. Ilayo mo sa'kin 'yang kaibigan mo, masasabunutan ko 'yan!"

Lumayo naman agad si Geoff sa'kin. "Oy 'wag sa buhok. Iniingatan ko 'to." Pero hindi pa rin naaalis ang ngisi sa mukha niya.

The DestroyerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon