TD - 16

129K 1.2K 165
                                    

CHAPTER 16

GEOFF'S POV

Nagri-ring na ang alarm clock ko pero tamad na tamad pa rin ako bumangon.

First day of 2nd sem. Yoko na. Tulog ulit.

At nagising na lang ulit ako dahil sa katok ng maid namin.

"Sir Geoff! Bangon na ho! May naghihintay ho sa inyo sa baba!"

Nagising naman ang diwa ko dahil don. Sino naman kaya?

Si Henry? Nah. Imposible. Walang kailangan sa'kin 'yon ngayon. Si Casimir? Asa pa pre. Si Belle?

Hala teka baka si Belle nga!

Agad-agad akong lumabas ng kwarto, ni hindi ko inayos ang kama ko o ang sarili ko. Tayo-tayo pa ang buhok ko at naka-boxer shorts lang ako at white shirt.

Pagkababa ko naman eh nakita ko na lang ang pamilya ko na kumakain habang pinapanuod ako na ganon ang itsura.

"Asan ang bisita ko?" tanong ko sa kanila.

"Kumagat ka talaga don?" umiling iling ang kuya ko. "Kumain ka na. Late ka na."

"Yung bisita ko nga?"

"'Wag kang tanga pwede? May nakikita ka bang ibang tao dito bukod sa'min? Pinasabi ko lang 'yon sa maid nang bumangon ka na." humigop siya ng kape. "O ano pang tinatayo tayo mo diyan? Kain na aba!"

Inirapan ko na lang siya at padabog na umupo. "Bwisit ka."

"Bakit may inaasahan ka bang bisita?" tanong ni Mommy.

Inaasahan? Oo nga naman. Bakit ko ba naisip na baka si Belle 'yon? Unang-una, hindi niya alam ang bahay namin. Pangalawa, wala siyang kailangan sa'kin. At higit sa lahat, hindi kami close.

Bwisit talaga 'tong si Kuya sarap sakalin. Huuuu. Nyeta.

Badtrip akong nag-breakfast.

The DestroyerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon