TD - 33

103K 1.3K 291
                                    

CHAPTER 33

CASIMIR'S POV

Andito ako sa sala at kasalukuyang nagbabasa ng libro nang pabagsak na umupo sa tabi ko ang tatay ko.

"Busy-ng-busy anak ah."

"Yeah." Kinuha niya ang librong binabasa ko, okay bastos lang. "Pa, can't you see I'm reading?"

"Eh bakit kasi hindi ka pa nag-i-impake?"

I groan. Here we are again about this matter. "I'm not coming with you."

"You should," he insist.

"No."

"Yes."

"No."

"Yes."

"No."

"Yes. That's final," he stood up bringing my book.

"No! Papa susunod na nga lang ako do'n. Swear."

Hindi niya ako pinansin at diretso lang sa pag-akyat sa hagdanan.

Inis na sinundan ko na lang siya sa kwarto nila at naabutan ko na lang sila na nag-iimpake ng gamit.

"Pa, hindi nga ako sasama." I said for the nth time. "Ma, 'di ba nagpaalam naman ako na susunod na lang ako?"

"Oo nga. Bakit ano problema?" tanong ni mama habang naglalagay ng damit sa maleta.

Naupo ako sa kama nila. "Ito kasing si Papa eh!"

"Clifford, hayaan mo muna sila magka-bonding time ni Alex."

"Sus. Nagka-girlfriend lang puro na Alex," hinagis ni Papa sa akin 'yung librong kanina ko pa binabasa.

Natawa ako sa asal niya. "Tampo ka na niyan Pa?"

The DestroyerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon