TD - 35

101K 1.2K 288
                                    

CHAPTER 35

HENRY'S POV

Alam mo 'yung feeling na hindi nag-e-enjoy? Oo 'yon. Taena 'di ba?

Hapon na at ang mga babae with Geoff eh nagbabad doon sa dagat. Heto kami ni Casimir sa seashore lang. Hindi pa kami ginaganahan maligo eh.

"Balita ko napahamak motor mo ah?" I started the conversation.

"Do you have any idea about this frat... 'yung kinabibilangan ni Jeremy?"

Bakit naman napunta doon ang usapan? "Hindi ako sigurado sa pangalan eh pero madalas lang silang magkakasama, kilala ko sila sa mukha. Bakit?"

"Tangina lang nila," cool niyang sagot.

Natawa naman ako. "Bakit, sila ba gumawa no'n sa motor mo?"

"Pina-investigate ko kasi at nakita sa cctv na binutas nila 'yung gulong. Gago 'di ba? Kung may problema sila sa akin ako 'yung harapin nila hindi 'yung motor ko. Mas mahalaga pa 'yon kesa sa buhay nila."

I tapped his shoulder. "Kalma. Andito tayo para mag-relax. Pero 'wag ka mag-alala 'pag kailangan mong resbak andito lang ako."

Nag-fist bump naman kami.

"Matanong nga kita. Bakit parang hindi kayo nagpapansinan ni Desiree?"

I shrug. "Hindi ko alam sa kaniya. Suddenly, she just blurted out such things. Alam mo 'yung andito ka na sa taas eh, konting-konti na lang maaabot mo na tapos bigla ka pang lumagapak!"

Tinawanan niya naman ako. "Ang gago ng pagke-kwento mo. Last na 'yan."

Naikuyom ko ang kamay ko nang makita kong binuhat ni Geoff si Des tapos ay binagsak ito sa tubig.

"Tangina," mahina kong pagmumura.

"Oh bakit ka ba nagagalit?" tanong ni Casimir. "Eh nagkakatuwaan lang naman sila."

The DestroyerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon