TD - 4

151K 1.3K 147
                                    

CHAPTER 4

CASIMIR'S POV

Dumaan ang mga araw na parang wala lang. Hay, buhay nga naman.

At si Alex? Wala. 'Di ko pinapansin 'yon. Tss. Ano akala niya, affected ako sa ginawa ko? ASA.

Andito ako ngayon sa may pool side, nagpapahangin at nagbabasa ng libro habang nakalagay ang earphones sa tenga ko. This is what I call, relaxation.

Maya-maya naman eh lumabas si Papa, nagsasalita siya habang iniinom kape niya. 'Di ko rin naman maintindihan sinasabi niya kasi nga naka-earphones ako. 'Di ko na siya pinansin at nagpatuloy lang sa ginagawa ko hanggang sa,

"PUNYETA DALDAL AKO NG DALDAL HINDI KA NAMAN PALA NAKIKINIG!" tinanggal niya ang earphones sa tenga ko.

"Ah, ano 'yon Pa?"

Nanliit ang mata niya tapos huminga ng malalim. "Sabi ko next week may party tayo na pupuntahan. Birthday ni Mr. Laxamana, business partner ng company nila Mama mo."

"'Yoko nga."

Binatukan naman ako ni Papa, "Leche sumunod ka nga sa'kin!"

"Aish. Ayoko po ng maraming tao Pa."

"Osige dadalin na lang kita sa kweba." sabay irap niya sa'kin.

Sinara ko ang libro ko at pinatong sa table. "Anong gagawin ko sa kweba?"

Kinuha niya ang librong binabasa ko kanina, "EDI MAGBASA KA! MAGBASA KA MAG-ISA MO! Ayaw mo ng maraming tao 'di ba? O edi don gumawa ka ng sarili mong mundo."

"Pa naman eh!" tumayo ako at inagaw ang libro ko.

"Anak, matuto ka namang lumabas. Kanino ka ba talaga nagmana ha? Alam mo bang nung ka-edad kita eh lagi akong nasa labas?"

"So?"

"Tss. Minsan 'di ko maintindihan kung nerd ka o siga eh."

The DestroyerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon