TD - 8

145K 1.3K 422
                                    

CHAPTER 8

HENRY'S POV

2-day photo shoot ang gagawin. Kaya ngayon ang 2nd and last. Hay leche.

Aaminin ko, awkward talaga. Ano bang malay ko na model pala ng isang teen magazine 'tong si Desiree. AS IF BUMIBILI AKO NG GANONG KLASE NA MAGAZINE?!

Ang simple simple naman niya kasi 'pag nasa school. Tamang pants, o minsan shorts, tapos simpleng tshirt o blouse. Actually, bihira ko siya makitang naka-dress, or should I say never ko pa siya nakitang naka-dress.

Nag-park ako ng kotse at binitbit na lahat ng kailangan ko. Papasok na sana ako nang magkasabay kami.

Look at her, doll shoes, maong shorts, loose shirt, no makeup, 'aakalain mo bang model 'yan?

"Hi!" masigla niyang bati.

"Hi." I smiled.

Siyempre sabay na kami pumasok at napag-usapan namin ang mga homeworks, quizzes at ang nalalapit na mga exam.

"Hay nako. Naiirita ako sa Math. Sobrang boring sana lang pumasa ako." natatawa niyang sabi habang nahihirapan sa mga dala niyang gym bag, siyempre kailangan malaking bag na ang dalhin niya 'di ba?

"Gusto mo makapasa?"

"Tinatanong pa ba 'yan? Siyempre. Sino ba namang ayaw?"

"Edi tumabi kay Casimir." natatawang sabi ko habang naaalala ang eksena ni Geoff noon.

May quiz kami at mukhang hindi NANAMAN siya nag-review. Ginawa niya? Tumabi kay Casimir, pinaandar ang radar, at boom! He almost perfected the exam. Hindi niya kasi kinopya ng buo para daw hindi halata. Eh si Casimir naman kasi hindi nagtatakip ng papel. Pananaw niya? Kung gusto kumopya ng katabi edi kumopya, wala daw siyang pake.

"Ay nako. Gawain mo ah."

"Oy hinde ah. Si Geoff 'yon!"

At tumawa siya, "Omg si Geoff! Hahahaha. Talinaw talaga non."

The DestroyerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon