TD - 15

127K 1K 92
                                    

CHAPTER 15

HENRY'S POV

Nasa tapat ako ng salamin at nag-aayos ng sarili. Kailangan magpa-gwapo. De biro lang. Ako photographer tapos ako ang magpapa-gwapo? Selfie lang? Hahaha.

Ngayon kasi 'yung pre-nuptial photoshoot.

Sa isang park ang venue. Pagkadating ko don ay nakita ko naman agad ang client ko. Gandang babae at gwapo rin naman ang mapapangasawa.

"Good morning Ma'am, Sir." pagbati ko sa kanila habang inaayos ang mga gamit. Nagpatulong na rin ako sa pinsan kong si George pero anak ng teteng wala pa siya. Forever late.

"Good morning din! Hindi nga nagkamali kapatid mo Hon, pogi nga siya." sabi ng soon-to-be-bride.

Pogi ko daw. Hahahaha. Malinaw mata neto.

"Diyan kayo magaling ng kapatid ko eh."

Tumawa naman si Ate.

Dumating naman ang pinsan ko na tumatakbo ng mabilis,

"Henry! Sorry traffic!"

"Na-traffic ka ba sa kama mo?" sarcastic kong tanong. Eh sa 'yan ang lagi niyang dahilan kahit na ang totoo eh na-late siya ng gising.

Paalis na daw pero kagigising lang. On the way na daw pero nakahiga pa sa kama. Malapit na raw pero paalis pa lang ng bahay.

Tumawa lang siya. O tignan mo 'tong lecheng 'to late na nga tatawa-tawa pa.

"Henry, kunan mo na kami mamaya pa darating 'yung mga kamag-anak namin eh." soon-to-be-bride

"Sige po."

Mamaya kasi 'yung buong mag-anak naman nila ang kukunan ko.

Inumpisahan na nga namin ang shooting.

The DestroyerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon