TD - 28

122K 1.2K 272
                                    

CHAPTER 28

HENRY'S POV

May halos isang buwan na rin nang bumalik kami sa klase pero bakit ganoon? Bitin 'yung bakasyon. Nakakainis. Pero ayos lang, makakasama ko nanaman si Desiree eh. Makikita ko nanaman ang kagandahan niya.

Sa pagpasok ko ng building eh nakita ko ang isang pamilyar na likod. Siyempre, likod iyan ng babaeng mahal ko.

"Ganda!" pa-lokong tawag ko sa kaniya.

Hindi siya lumilingon.

"Sexy!"

Hindi pa rin effective. Natatawa na nga ako dahil para akong tanga na sumisigaw-sigaw dito sa hallway.

"Mahal ko!"

Aba, hindi pa rin lumilingon. May ilang babae na nga rin ang nag-assume na sila ang tinatawag ko pero leche 'yung babaeng tinatawag ko hindi ako nililingon. Diretso lang din siya sa pag-akyat hanggang sa 3rd floor kung nasaan ang room namin.

May naisip lang naman ako, tutal malapit na rin ang Valentines eh aayain ko na siya na maging date ko. Mahirap na, kahit naman alam ng iba na nanliligaw ako sa kaniya eh 'di pa rin maiwasan na may mga umaali-aligid sa kaniya. Tch. Mas gwapo naman ako sa mga 'yon, mas sweet at higit sa lahat, mas close kami ni Des! Ha, take that.

Tumingin ako sa wristwatch ko, malapit na mag-start ang klase namin pero minsan lang naman ma-late, sulitin na. Tumakbo na agad ako sa Student Affairs Office para makapag-paalam. Dahil pogi ako eh napapayag ko naman sila na gamitin ang speaker na kung saan rinig halos ng buong campus. Nahahawa na ata ako sa kakapalan ng mukha ni Geoff. Naku po, last ko na 'to. 'Yung speaker na iyon eh connected sa lahat ng department kumbaga iyon ang ginagamit kung may announcement. Eh announcement din naman itong sasabihin ko, no, more of an invitation.

In-on na ng operator. I cleared my throat, I need some Sevilla vibes, I mean confidence.

"Good morning everyone. Henry Marquez here. Humugot lang ako ng kaunting confidence dito pa'no ba naman kasi 'yung mahal ko hindi ako pinapansin kanina. 'Di ko alam kung nabingi eh, kanina ko pa tinatawag. Ngayon naman siguro naririnig mo na ako Desiree Galvez?" rinig ko ang mahinang pagtawa ng mga tao dito. Bakit sila tumatawa? Nakakahiya na ba ako masiyado? Ugh. "Alam ko one week pa bago ang Valentines kaya uunahan ko na ang mga karibal ko diyan, ehem..."

"Sabihin mo na! Dami pang pasakalye oh." nang-aasar na sabi nung secretary ng Associate Dean.

The DestroyerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon