TD - 31

114K 1.3K 407
                                    

CHAPTER 31

HENRY'S POV

Pinakilala ko si Desiree kay Mommy... nang biglaan.

Malay ko ba namang magkakasalubong kami sa mall? Bwiset.

"Care to introduce her?" nakangising sabi ng nanay ko.

Inaya niya kaming kumain. Katabi ko si Des at kaharap naman namin si Mommy.

"Ah, Mom this is Desiree, the one I've been telling you," I smiled.

"Hello po Tita," bati ni Des. She's so cute.

"Hija, kamusta naman itong unico hijo ko sa school? Hindi naman bumabagsak?"

"Ah hindi po, matalino po 'yan, matataas ang grades kasi 'pag bumagsak siya nako basted na siya."

Kumunot ang noo ko, "Ha? Kasama ba 'yon sa usapan natin? Sabi mo maghintay lang ako?" ngumuso ako.

"May gano'n kaya!"

"Wala!"

"Meron!"

"Wala!"

"Meron!"

"Love you!"

"Love you too!"

Napangisi ako ng wala sa oras. Hahahahahaha. Edi umamin din siya. Tsk, pinapatagal pa eh.

Bigla niyang tinakpan ang bibig niya at yumuko na lang.

"Oh pa'no ba 'yan, Mom, mahal niya rin daw ako,"

"At dahil diyan sagot mo lahat ng kinain natin," nakangising sagot ng nanay ko.

The DestroyerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon