TD - 13

127K 1.2K 208
                                    

CHAPTER 13

ALEX'S POV

Andito ako ngayon sa room at hinihintay ang mga kaklase ko pati na rin si Miss Mandy.

Kailangan ba talaga panuorin 'yung competition ni Casimir? I mean, kung ma-mark lang naman 'yon as absent eh sige okay lang. Isang absent lang naman.

Kasi nga, kagabi ko lang na-realize na sabay pala 'yung competition niya at 'yung contest ni Jeremy. :( What to do?

Isa-isa na silang dumadating. Kanina pa ako patingin-tingin sa relo ko.

"HOY! Tulala? Anyare?" bungad ni Des sa akin. Sinimangutan ko lang siya. Kinurot naman niya ang braso ko. "Sagutin mo ko, bastos 'tong babaeng 'to."

"Ano daw mangyayari 'pag hindi sumama sa competition ni Casimir?" I asked her.

"Ah. Ang alam ko 'pag sumama don plus 20 sa final exam. Then, I heard na gagawa ng research paper 'pag hindi nakasama. So, sasama na lang ako kasi may plus 20 na, hindi pa ako gagawa ng paper." nilabas niya sa bag niya ang powder at salamin. "Hindi pa naman legit 'yan kasi narinig ko lang sa tabi-tabi 'yon."

I took a deep breath. "Ayoko na gumawa ng paper."

"Sino bang may gusto? Aba, finals week na noh. Agad-agad makakagawa ng paper? May mga exam pa sa major."

"Kaya nga eh." sinubsob ko ang ulo ko sa bag ko na nakapatong sa arm chair.

"Ano ba kasi pino-problema mo?"

"Ngayon din kasi 'yung contest ni Jeremy."

Nag-isip siya. "Hala shet oo nga! Omg girl. Hmm, maiintindihan naman siguro ni Jeremy kung hindi ka makakapanuod 'di ba?"

"You think?"

"Uh yeah? Pero kasi siyempre maganda rin 'yung andon ka para inspired siya 'di ba?"

"Des! What am I gonna do?"

The DestroyerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon