TD - 9

141K 1.3K 341
                                    

 CHAPTER 9

GEOFF'S POV

Okay. This is it.

Pagkatapos ko kumain ng breakfast eh naligo na ako at nag-ayos ng sarili.

Humarap ako sa salamin at napasabi na lang na,

"Shet gwapo ko."

Bumaba na ako at sinalubong naman ako ng driver namin.

"Tara na ho ba, Sir?"

"Oo kuya. Pero teka, gwapo ko na ba?"

Natawa naman siya. Ano nakakatawa sa tanong ko?

"Gwapo naman talaga kayo Sir ah. May popormahan ka ba ngayon?"

"Wala naman. Kailangan lang magpa-impress." at natawa na lang ako.

Siyempre hinatid na niya ako sa school. Nag-stay muna ako sa cafeteria. Kakain ulit. Gutom pa 'ko eh, dito rin kasi ang hintayan namin nila Henry.

Unang dumating si Henry.

"Oy ano?" bungad niya sa'kin.

"Anong ano?"

"Wala. Oh pumunta ako ngayon, samahan niyo rin ako next time ni Casimir."

"Saan?"

"Mamaya ko na sasabihin 'pag andito na siya nakakatamad 'pag pa-ulit ulit eh."

"Hay leche ka po, ano?"

Habang inaagawan niya ako ng pagkain eh dumating na rin si Casimir.

"Oh tara na."

The DestroyerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon