TD - 2

166K 1.6K 309
                                    

CHAPTER 2

CASIMIR'S POV

First day of class. Screw that, bakit kailangan ko magkaroon ng 7:30 class? Ugh. BV lang tapos ang uwi ko 7:30 din. WOW AH. Ano 'ko taong school? Dun na kaya ako tumira? Leche.

Kumakain ako ng breakfast ngayon at pababa naman ng hagdanan si Papa at Mama, magka-akbay. Masaya akong nakikitang masaya ang mga magulang ko. Pero lanya landian kasi ginagawa nila eh.

Pinaghila ni Papa ng upuan si Mama tapos umi-score pa ng isang halik. -___-

"Pa ang aga naman niyan."

"Inggit ka lang. Humanap ka kasi ng iyo."

I gave him a boring face, "Landi mo Pa."

"'Wag ka magalala, sa nanay mo lang ako malandi." sabay inom niya ng kape.

"Ewan ko sa inyo. Kumain na kayo. Ikaw Casimir, what's your first subject?" Mama

"Math."

Nasamid naman si Papa, "Ang aga-aga Math?"

"That's fine. Pero I really hate my schedule. Buong araw ako nasa school. Kasuya."

"Bakit, ayaw mo mag-aral ha? Gusto mong pektusan kita?" sabi naman ni Mama.

"Schedule lang naman..." mahinang sagot ko.

Pagkarating ko sa school gamit ang mahal na mahal kong motor eh naglakad na ako papasok ng building maghahanap pa ako ng room. Tsk.

Hay nako, 3rd floor. Agang exercise neto ah.

Pagpasok ko ng room medyo marami-rami na rin sila doon at mga nagke-kwentuhan. Naks, close agad? Psh.

Ako? No. I told myself that I won't get attached to anyone. Having many people around you won't give you tranquility.

Umupo ako sa harap, sa malapit sa pinto. Sa harap kasi dahil first day ngayon ay ite-test ko kung maganda bang makinig sa prof ko o mas magandang matulog na lang. Sa malapit sa pinto para diretso labas.

The DestroyerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon