TD - 45

65.1K 1.3K 1.1K
                                    

CHAPTER 45

CASIMIR’S POV

Andito na kami sa airport ngayon, hinihintay na lang ang flight namin. Kaharap namin ni Jhaztine ang kambal na parehong nasa stroller. She’s really fond of my siblings, nakakatuwa lang tignan.

“Ah cutie, cutie, cutie.” Sabi niya habang nilalaro si Gia.

“Cute ‘no? Mana talaga sa Kuya.”

She glared at me. “Stop lying, okay? Hindi healthy ‘yan.”

Napangiti na lang ako at ginulo ang buhok niya. I am really thankful that she’s with me right now.

“Thank you so much.” Suddenly came out of my mouth.

“No problem… ‘di kita matiis eh.” At ngumiti siya na parang tinawanan pa ang sarili sa pagbanat.

Pabiro ko siyang siniko at siniko niya rin ako pabalik. Natigil na lang kami nang marinig na namin ang flight namin at nang lumapit na sa amin si Mama at Papa.

“Oh tara na?” aya ni Mama sa amin.

“Opo,” Jhaztine smiled.

Siyempre magkatabi kami, share kami sa earphones habang ako nagbabasa at siya naman ay naglalaro sa iPad niya.

Maya-maya lang ay napansin ko ang paghikab niya.

“Sleepy?” I asked.

She nodded. “A bit.”

Tinapik ko ang balikat ko para pasandalin siya at ginawa naman niya. Napangiti na lang ako.

Ilang oras na lang nasa Pilipinas na ulit kami. Ilang oras na lang… hindi ko napaghandaan kung sakaling magkita kami, hindi ko rin alam kung anong pumasok sa isip ko para isama si Jhaztine basta ang alam ko lang si Jhaztine ang kailangan ko ngayon. Alam kong kung masaktan man ako ulit andiyan siya para sa akin.

Nang makababa kami ng eroplano ay pakiramdam ko may mangyayaring maganda. Sana lang.

The DestroyerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon