TD - 12

136K 1.2K 456
                                    

CHAPTER 12

GEOFF'S POV

Hay, nyemas.

Alam mo 'yung pakiramdam na nag-aral ka naman, pero wala kang masagot?

Defuta.

Final exam namin ngayon sa minor subjects. Buti nga hindi nagsabay-sabay eh, 'yung major subjects namin sa Friday at Saturday pa.

Tapos sa Wednesday na ang competition ni Casimir. O 'di ba, kapos ang oras para mag-aral.

Hmm, eh kung 'wag na kaya pumunta sa competition? Moral support? 'Di niya naman kailangan 'yon. Kaya niya na 'yon eh. Baka sungitan lang kami non habang full support kami sa kaniya.

Pero siyempre joke lang. Bukod sa utang na loob ko ang pagpunta nila ni Henry sa audition ko noon, sige na susuportahan ko na siya. Hahahaha.

I'm such a supportive friend.

Hay futa. Wala na talaga kong masagot. Pasalamat na lang ako multiple choice. Hula-hula din 'pag may time.

Nakatalikod ang prof at nakatunganga ako. Lumingon ako kay Casimir na nasa likod. Huhuhuhu. Pa-chill chill lang siya na nagsasagot. Ang layo kasi niya sa'kin bigla kasing inayos ng prof namin 'yung mga upuan. Andito tuloy ako sa kabilang gilid tapos sila ni Henry nasa likod. Unfair. Wala man lang pakundangan sa mga taong hindi masiyado nakapag review.

Haaay. Hindi naman ako tamad (?) eh. Sadyang 'pag kaharap ko na 'yung libro, wala pang 5 minutes eh inaantok na ako. Maybe I should ask Casimir and Henry for study tips.

May nasagot naman ako. Daling manghula eh. Pinasa ko na 'yung papel ko, ayoko ng pagurin ang utak ko. Kawawa eh baka pumutok.

Lumabas na ako ng classroom pero si Henry at Casimir, andon pa sa loob.

Okay?

Ang tatalino nila pero nauna pa akong matapos? Tss. Lagi silang ganiyan amp.

After 10 minutes ata lumabas na si Henry. Pero si Casimir andon pa. Bakit ba ang tagal niya mag-exam? Eh pwedeng-pwede niya tapusin 'yan in 20 minutes or less.

The DestroyerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon