TD - 5

152K 1.2K 235
                                    

CHAPTER 5

CASIMIR'S POV

Andito kami ngayon sa labas ng presinto. Pina-contact ko naman na kay Papa 'yung head nito eh. Para safe kami 'pag ginawa namin ang interview.

"Shet Alex... scary." sabay kapit ni Desiree sa braso ni Alex na kapwa niya bahagyang kinakabahan din.

"Ano ba 'yan. 'Wag nga kayo matakot. Psh." sabi naman ni Geoff.

Nagulat pa kami nang,

"PAKAWALAN NIYO 'KO SABI EH! WALA AKONG KASALANAN!" sigaw ng isang lalaki, na malaki ang katawan at puro tattoo, sa pulis na may hawak sa kaniya at pinapasok siya sa loob ng presinto.

Nakita ko namang napalunok si Geoff at tinulak si Henry para maunang mag lakad.

"Oy oh bakit ako tinutulak mo ngayon!" reklamo ni Henry

"Mauna ka!"

"Hay leche."

At ako na lang ang naunang naglakad. Babagal netong mga 'to.

Humarap agad ako dun sa front desk.

"Chief, ako ho 'yung anak ni Ramirez. Nasabi naman na ho niya sa inyo na mag-iinterview sana kami 'di ba?"

"Ang babata niyo pa eh. Sigurado ba kayo? Kaya niyo bang kausapin sila?"

"Yung mga ka-edad o mas bata lang naman ho sa'min ang kakausapin namin eh. Kahit dalawang tao lang ho."

Hinihila-hila naman ni Alex ang tshirt ko na siyang kina-bwiset ko.

"Ano ba!" sigaw ko sa kaniya.

She looks scared. "S-sigurado ka ba sa gagawin natin?"

"Ako sigurado ako. Kayo?"

The DestroyerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon