TD - 44

69.3K 1.3K 804
                                    

CHAPTER 44

ALEX'S POV

Natapos na rin ang sophomore year at ito ako nasa Summit. Sa totoo lang, pinipilit ko talagang makinig eh pero kasi... huhuhu nakakatamad.

Siniko ako ng katabi ko, schoolmate ko. "Natutuwa ka pa ba sa mga nangyayari?"

Natawa ako, siyempre mahina lang baka mapagalitan kami eh. "Hindi eh. Ikaw ba?"

"Pucha, tamad na tamad na 'ko!"

"Ssh, 'wag ka maingay gaga."

Intentionally, hindi kami nakinig at nagdaldalan na lang. Nakakatuwa lang na may mga similarities kami kaya nag-click kami agad. Siya ang madalas kong kausap dito sa workshop.

Nabalitaan kong sumali na rin siya rito last year, dapat nga raw ay kasama nila 'yung gwapong freshman pero umayaw daw at nabanggit niyang Casimir ang pangalan nito. Nasasayangan nga siya kasi gwapong-gwapo daw siya kay Casimir, hindi man lang sila naging close.

"Eh suplado naman 'yon." I chuckled while we were having dinner.

"Suplado pero mahal mo." she teased.

I smiled. Wala man lang siyang ka-ide-ideya sa mga nangyari sa'min ni Casimir.

I felt sad and guilty at that moment. Maraming babae ang gustong-gustong makasama si Casimir, gustong-gusto ng atensiyon galing sa kaniya pero ako... na sa akin na, binalewala ko pa.

Ang sabi sa amin matulog na kami pagdating ng 10pm. Lol, joke ba 'yon? Kami matutulog ng maaga? Huhu. Oh please.

Naka-indian seat kaming apat, luckily puro kami babae kaya madaling nagkasundo. Patay na ang ilaw at gumamit na lang kami ng flashlight. Oh well.

"Sige ako na unang magko-confess." sabi nung isa. "Nag-cheat ako noon sa boyfriend ko."

"Shet ka! Bakit?" inulan siya ng tanong kung hindi daw ba niya mahal boyfriend niya, hindi raw ba magaling humalik, at kung ano-ano pa.

"Hindi sa hindi ko siya mahal eh... mahal na mahal ko siya... pero siya 'tong hindi ako mahal." Inumpisahan niya ang kwento sa pinagkasundo sila ng mga magulang niya pero pabor naman siya siyempre dahil mahal niya nga ang boyfriend niya pero iba ang gusto nito. "May nakilala ako, mabait siya, gwapo, musically inclined, nagkasundo kami agad, 'pag nagtatalo kami ng boyfriend ko sa kaniya ako agad tumatakbo. And things happen."

The DestroyerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon