TD - 18

126K 1.2K 175
                                    

CHAPTER 18

ALEX'S POV

Wala na rin lang naman akong takas dito kay Casimir, no choice ako kundi magsabi ng totoo.

'Yung sikretong matagal kong tinago sasabihin ko sa lalaking 'to. I just can't believe it.

Pinaupo niya ako at kumuha siya ng tubig mula sa kusina. How funny na malakas ang common sense niya kaya hindi na siya nagtanong kung nasaan ang baso o ang tubig.

"Oh 'wag ka na umiyak. Uminom ka muna." at inabot niya sa'kin ang basong may laman ng tubig.

"Salamat." nakayukong pasasalamat ko.

Walang nagsalita sa aming dalawa. Nakaupo lang siya sa tapat ko gamit ang isang monobloc na upuan para sa hapag-kainan namin.

Nakatingin lang siya sa'kin at para bang pinapanuod niya lang ang isa sa awkward moment ko sa buhay.

He broke the silence.

"Now, tell me... everything."

I took a deep breath. "Obviously, mahirap lang ako at oo waitress ako."

"Kaya ba nanghihina ka nung last sem? Yung ang aga-aga pa eh nawalan ka na ng malay?"

Kumunot ang noo ko. "Pa'no mo nalaman? Nasabi ba ni Henry sa'yo 'yun na dinala niya ako sa clinic?"

Sumimangot siya. "Tss. So bakit nga? Bakit hindi mo sinasabi na nagta-trabaho ka?"

"Wala namang nagtatanong."

Nasapo niya ang noo niya. "Alex naman! Sumeryoso ka nga!"

Medyo natawa naman ako sa asta niya. Ang cute niya ma-frustrate.

"Kung ang gusto mo malaman eh kung bakit ikinakaila kong mahirap lang ako at isa akong waitress," napatingin ako ng diretso sa mga mata niya para bang sinasabi nitong andiyan lang siya para makinig, "dahil natatakot ako. Natatakot ako na masabihan nanaman ng kung ano-ano ng ibang tao."

The DestroyerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon