Black Note

48.1K 1.1K 187
                                    

Maraming salamat po sa mga nagmahal sa love story ni Alex at ni Casimir. Bagay po talaga kasi kami ni Casimir pero mas marami silang supporters kaya okay fine sila na lang endgame. Just kidding. Tawa kayo dali.

Seryoso na. Enjoy na enjoy ko ang pagsusulat ng TD kasi ang light lang talaga ng story and it also lightens my mood. 'Yung tipong stressed na stressed ako sa school tapos para ma-relax ng kaunti eh gagawa ako ng update tapos 'pag na-post ko na may mga nagko-comment agad, "First!", hehehe joke lang, pero nakakawala kasi ng pagod mabasa 'yung mga comments lalo na 'yung mahahaba. Hindi ko man po kayo nare-reply-an lahat, swear nababasa ko po mga comments niyo and I really appreciate it.

Sa mga magsasabi pong bitin ang ending ng The Destroyer, pasensiya na po pero 'yan na po talaga. Ano po ba ang hindi bitin na ending? 'Yung ikakasal 'yung bida o 'yung may mamamatay? Ahuhuhuhuhuhu. Sorry po kung mabitin kayo or hindi kayo makuntento pero 'yan na po talaga. Hehehehehe. Salamat po sa mga iintindi.

Do'n sa mga readers na natututo ng mura sa story ko huhuhuhuhuhuhu pasensiya na pero gano'n po talaga kasi ako gumawa ng story eh. 'Yung tipong wala ka ng masabi kaya nagmumura ka na lang, joke, I mean hindi ka na makahanap ng exact word to express what you really feel kaya napapamura ka na lang. Sorry po sa mga mababait diyan pero hindi po kasi ako mabait eh, cute lang. Ahihihihihi.

Mula twitter hanggang facebook, natutuwa ako sa tuwing mababasa ko 'yung mga saloobin niyo at galit niyo. Unang kawawa si Aex though hindi masiyadong kawawa. Tapos si Jhaztine nako, sa handler niya pasensiya na kung lagi kang namumura ha? Pagpasensiyahan mo na sila. At kay Casimir na kinagalitan niyo. Ako na lang talaga nagmamahal sa kaniya ng mga panahon na 'yon eh, hehe biro lang. Pero salamat po talaga.

Wala akong ibang masabi talaga kundi thank you eh.

Ay! May ibang masasabi na pala ako. Sa usapang special chapters, ipo-post ko na lang po 'yon if ever na meron. Okay po? Nagkakaintindihan po tayo mga kababayan?

At, lie low na po muna ako sa wattpad. I'll be on a writing break. Ilang weeks lang naman or a month siguro. Ewan, bahala na. Basta gano'n po ha.

About the third series, yes meron po, kwento naman po ni Gianina na kasing ganda ko rin. Charot! Ipo-post ko ho siya after ng aking writing break siguro ah basta bahala na po ha. Chill chill muna kayo diyan guys. E-enjoy-in ko lang din po bakasyon ko. Mehuehue.

Sana po suportahan niyo rin 'yung magiging Black Series III: A Levelheaded Lass, ha? :) Thankies! O sa mga naghuhula ng title, may tumama ho ba sa inyo? ;)

Ayon lamang. Babalik po ako na cute pa rin, 'wag ho kayo mag-alala. Maraming maraming maraming salamat po talaga. Love you all! :))))))

♥,

littlemissselle

PS. Pwede niyo pa rin naman ako i-tweet or post kayo sa group sa fb, mag-o-online naman ako don paminsan. :)

PPS. Ang cute ko. Haay.

The DestroyerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon