TD - 7

139K 1.2K 111
                                    

CHAPTER 7

CASIMIR'S POV

Maaga ako pumasok ng school dahil ayaw ni Mama na gayahin ko tatay ko. Haaaay.

Nilapag ko na ang gamit ko sa upuan, iiwan ko muna at magsi-CR ako. Baka kasi may umagaw ng pwesto ko eh wala naman kaming seating arrangement.

Ginawa ko na ang dapat kong gawin sa CR, malamang umihi lang naman ako. Naghugas ako ng kamay at binasa ang buhok ko. Medyo inayos ko lang dahil nagulo kasi nga naka-helmet ako kanina.

Lumabas na ako at pabalik na sana ng room nang makita ko si Alex na pagewang-gewang maglakad. Ano ba 'to lasing? De biro lang. Hindi lang maayos ang tayo niya at mukhang babagsak na ang ulo niya. Hindi ba nakatulog 'to?

TSS. PAKE. KO.

Hindi ko na lang sana siya papansinin nang,

"Hoy..." mahina niyang sabi,

At napabagsak na siya sa'kin. Nasalo ko naman siya. Lecheng babae 'to papahirapan pa 'ko.

Tinapik ko ang pisngi niya, "Hoy."

Ramdam ko na mainit ang katawan niya kaya naman binuhat ko na lang siya at dinala sa clinic.

"Ano nangyari sa girlfriend mo?" tanong ng nurse.

"She's not my girlfriend."

"Weh? 'Wag ka na mahiya. Sanay na 'ko sa ganiyan. Oh ihiga mo na siya dito."

Daming daldal nito tss. Inihiga ko na lang si Alex don at aalis na nang tawagin nanaman ako ng nurse,

"Oh 'di mo babantayan girlfriend mo?"

"Trabaho mo 'yan." inirapan ko siya. "At hindi ko nga siya girlfriend. Tss."

Bumalik na ako sa room at saktong papasok ng room si Panot este si Sir. Lakas makahawa ni Papa eh.

Pero hinarangan ko muna siya sa pinto,

The DestroyerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon