TD - 30

113K 1.2K 382
                                    

CHAPTER 30

GEOFF'S POV

Mabilis akong naligo at nagpagwapo nang mag text sa akin si Belle nito,

From: Belle

SEVILLA. Free ka today? Sabihin mong hindi eh Sunday ngayon. Alis tayo. Huhuhuhu. I'm so bored.

To: Belle

Maghanap ka ng ibang kasama mo

Pero ang totoo niyan napabangon ako agad at kinuha ang bath towel.

From: Belle

Lahat sila busy eh!

To: Belle

Ah so ako hindi? Tss

From: Belle

Crush mo ko eh kaya di mo ko matitiis ;)))))

Lecheng ito pasalamat siya tama siya eh. Hindi ko na siya ni-reply-an at naligo na ako. Inayos ko ang polo ko at an buhok ko. Nag pabango rin ako.

I checked my phone at ito nga may text nanaman siya.

From: Belle

Wag mo ko i-seenzoned! Pektusan kita eh! Hmp.

To: Belle

San kita susunduin?

Sabi niya ay magkita na lang daw kami sa mall. Nagpahatid ako sa driver namin dahil ayokong mag-commute, sayang porma ko.

Dito raw kami magkita sa tapat ng Spa. Leche, parang ngayon ko lang nare-realize ang magiging papel ko dito ah. Peste. Bakit ba ako pumayag? Ay, bwiset.

15 minutes siyang late sa usapan. Well, sanay naman ako sa mga babaeng late sa date... kung date mang maitutukoy ito. Hindi ko naman 1st time makipag date ano!

"Gwapo natin ngayon ah!" bungad niya nang dumating siya at makita ako.

"What's new?" I shrugged. Binatukan niya naman ako. "Para saan naman 'yon!"

The DestroyerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon