TD - 22

132K 1.3K 370
                                    

CHAPTER 22

HENRY'S POV

Habang nagka-klase kami ay may kumatok. Pinapatawag si Casimir ng dean. Ay pucha, hindi naman siguro dahil don sa nangyari nung Variety Show ano?

At may binulong naman sa akin si Geoff.

"Sinuntok daw ni Casimir 'yung salamin ng bulletin board kahapon."

Kumunot ang noo ko, "Seryoso? Bakit?"

"Ganito kasi 'yan. Kahapon nung pauwi ako narinig kong may nagchi-chismisan eh narinig ko pangalan ni Casimir kaya nagpa-cute ako para makasagap ng balita. Ang sabi nila nagalit daw sa kanila si Casimir dahil kung ano-ano ang sinasabi nila about Alex."

Putek. Tinamaan ang lintek.

"Sinasabi ko na nga ba."

"Ha? Alam mo na 'yung ginawa ni Casimir?"

Inirapan ko siya. "Tanga. Ibig kong sabihin, gusto na talaga niya si Alex."

"Ah. Oo nga eh. 'Di ko rin ine-expect 'yon. Kasi naman 'di ba, may boyfriend na si Alex."

I sigh, "Ano kayang balak gawin ngayon ni Casimir?"

"Ewan ko ba don. Mukhang 'di naman siya gi-give up kay Alex. Alam naman natin na matigas bungo non."

"Gusto niya nakukuha niya lagi gusto niya. Mahi-..."

Hindi ako natapos sa sasabihin ko nang mapansin kong nasa harap naming dalawa ang professor namin.

"Mind to share with us what are you two talking about?"

Napahawak na lang ako sa batok. "He-he-he. Sorry Sir?"

"Sir bawal, confidential 'yon." tignan mo 'tong si Geoff, pinatulan naman.

At nagpatuloy na ang klase. Leche nakakahiya.

The DestroyerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon