TD - 1

204K 2K 618
                                    

CHAPTER 1

CASIMIR'S POV

Today is my high school graduation day.

TSS.

Andito pa lang kami sa bahay pero ang ingay na ni Mama at Papa.

"CLIFFORD! Bilisan mo maligo!" sigaw ni Mama mula sa room nila.

Napa-iling na lang ako at nag-diretso na sa pagbaba ng hagdan.

"Good morning Manang." I smiled.

"Good morning Sir. Teka lang ha, ihahanda ko lang po ang almusal niyo."

"Okay po."

Pumunta na lang muna ako sa garden at nagbasa ng libro. Hindi naman ako na-e-excite sa graduation eh. Psh. Aakyat pa sa stage, makikipag-shakehands, kukuha ng diploma tapos titignan ka lang ng maraming tao.

Brad, masyadong attention getter 'yon. I don't like it. Gusto ko ako yung nanunuod kesa ako ang pinapanuod. Pucha.

Maya-maya ay tinawag na ako ni Manang. Ang bilis naman tsk.

Pumunta na ako sa kusina at umupo. Si Mama at Papa naman ay nagda-daldalan pa habang naglalakad.

"Clifford teka kasi 'yang necktie mo oh 'di pa ayos." inayos naman ni Mama ang necktie ni Papa.

"Ayan dapat behave ka mamaya okay? Salutatorian anak natin kaya umayos-ayos ka."

"Bakit kasi kailangan mag-necktie pa 'ko pwede namang simpleng polo lang ah."

"Eh sa a-award-an ang anak natin eh!"

"Ganon ba 'yon? Eh nung panahon ko simpleng kuha lang ng diploma ayos na eh. Tss."

"Hay ewan ko sa'yo. Aren't you proud of him?"

The DestroyerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon