TD - 10

137K 1.3K 266
                                    

CHAPTER 10

HENRY'S POV

Tangna. Puyat na puyat ako.

Late na nga kami nakauwi, naging driver pa 'ko.

FLASHBACK

"Geoff, ikaw una kong ihahatid mas malapit village niyo eh." sabi ko sa kaniya habang palabas na kami ng subdivision nung apartment nila Casimir.

"Ge." maikli niyang sagot tapos humilig siya at pumikit na.

Lecheng 'to. Feeling niya driver niya ako.

"Henry, kaya mo pa ba mag-drive?" tanong ni Desiree.

"Oo naman."

"Sige ingat ah. 'Pag inaantok ka na sabihin mo, I can drive." she smiled.

"Sige."

Pero siyempre hindi ko siya hahayaan na mag-drive. Ako lalaki kaya ako dapat ang magda-drive para sa kaniya.

Andito na kami ngayon sa tapat ng bahay nila Geoff.

Tinapik ko na ang braso niya, "Hoy gising na."

Pero mukhang napasarap tulog niya dahil hindi pa rin siya nagising kaya naman kinuha ko ang folder na nasa drawer at hinampas sa kaniya. Nagising naman siya, tinanggal ang seatbelt at dire-diretso sa pagbaba.

"Wow you're welcome ah?" sarcastic kong sabi.

Tumawa naman si Des. "Pagod na pagod ata eh."

"Lecheng 'yon. Oy Desiree, lumipat ka dito sa harap." sabi ko sa kaniya.

"Aish. Why?"

"Ano 'ko driver mo? Photographer mo 'ko."

The DestroyerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon