TD - 19

128K 1.2K 339
                                    

CHAPTER 19

DESIREE'S POV

Nag-ayos ako bago pumasok. Eh siyempre kailangan maayos ako tignan sa harap ng crush ko... ng mga crush ko pala.

Hay, leche. Bakit ba kasi ang dami kong crush? I mean, 'di ko maiwasan eh. 'Pag gwapo sa paningin ko 'di ko na tatantanan 'yan. Tapos 'pag sweet at gentleman naman ang isang lalaki eh hay nako nakaka-in love na 'yan!

Oh well, buhay single. Eh sa walang lovelife eh! Makukuntento ako sa ganito.

Since malapit lang ang dorm ko sa school, nilakad ko na. Every morning ganito para exercise.

Pagkadating ko naman sa school rh binabati ako ng mga nakakasalubong ko. 'Yung iba hindi ko kilala pero binabati ako. Puhhrang gago lang. Lol. Siyempre nginingitian ko na lang din sila, ang ganda kaya ng bati nila sa'kin.

"Hi Desiree! Ang ganda mo talaga!"

"Uy Des! Bagay talaga sa'yo 'yang suot mo."

"Ang ganda mo naman Desiree."

Sana araw-araw ganiyan ang bati nilang lahat sa'kin. Nakaka-good vibes.

Mapapadaan naman ako sa field bago makarating sa Archi building nang may marinig akong pumutok, parang pumutok na balloon.

Napalingon naman ako at nakita ko doon si Henry, Geoff at Casimir.

"Hay puta. Fail ka talaga Geoff!" reklamo ni Henry

"Sorry! 'Di ko sinasadya swear."

At si Casimir naman eh natawa na lang.

"Hoy anong ginagawa niyong tatlo diyan!" sigaw ko.

"Des! Baba ka dito!" sigaw naman pabalik ni Henry.

Tignan mo 'tong isang 'to, inutusan pa 'ko.

Ako naman uto-uto, bumaba naman ako don sa field.

The DestroyerWhere stories live. Discover now