TD - 25

124K 1.2K 285
                                    

CHAPTER 25

BELLE'S POV

Naiinis ako, at the same time, nasasaktan.

Nasasaktan ako dahil mahal ko si Casimir eh. Bata pa lang kami wala na akong ibang gusto kundi siya. What made me like him despite of what happened to us - 'yung binato niya ako?

FLASHBACK

Badtrip si Casimir! Hmp. Ang sama-sama niya! He's evil!

Grade 5 na kami pero 'di ko pa rin makalimutan ginawa niya nung Grade 2 pa lang kami. Batuhin daw ba 'ko ng pencil case sa mukha! Ugh. Kainis. At lagi pang nagsusungit! Siya pa may ganang magsungit eh siya na nga 'tong nanakit eh.

Halatang bored siya sa klase. Palibhasa matalino kaya manok na manok lang sa kaniya mga lesson namin habang kami nahihirapan. Unfair.

Break time noon at saktong papasok ako ng room nang matapunan ako ng juice.

"OMG!" maarteng sigaw ko. Well, I admit it, maarte ako. So what?

"Nako, sorry Belle! Hindi ko sinasadya swear!" paawa effect ng isang bruha. Hmp. 'Di ako naniniwala na hindi niya sinasadya 'yon eh isa pa 'tong maarte eh! Crush niya rin kasi si Casimir, eh alam niyang close kami. Kasi kahit masungit si Casimir eh at least ako pinapansin niya. Siya kasi hindi. Lol. Mula kasi nung nangyari sa amin noon naging close na rin ang parents namin.

At ang babaitang ito ay isang malaking Inggiterang frog!

"Ang lagkit nito! My gosh!"

Nakita ko ang pagngisi niya. "Sorry talaga. Ikaw naman kasi eh bigla bigla kang pumapasok ng room."

"Alangan namang kumatok pa ako? Ano 'to private room? Ugh." pinupunasan ng isa kong friend 'yung damit ko. Kahit naman punasan niya 'yan, andiyan pa rin 'yung mantsa ng orange juice. "I hate you! Nakaka-in-..."

Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng biglang may maghagis ng jacket sa dibdib ko.

Napatingin ako sa kung sinong dumaan sa gilid ko. "Gamitin mo na 'yan, manahimik ka lang." nagpatuloy siya sa paglalakad habang nasa bulsa ang isang kamay at ang isa naman ay hawak ang juice niya.

The DestroyerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon