TD - 39

85.9K 1.4K 516
                                    

CHAPTER 39

CASIMIR'S POV

Pumasok ako sa loob ng flower shop para pick-up-in ang inorder kong mga bulaklak.

Ngumiti sa akin 'yung babae. "Good morning Sir!"

Blank face ko siyang sinagot. "I ordered yesterday."

"Oh, pangalan po Sir?" she smiles again and it fuckin annoys me.

"Casimir Ramirez."

Hinanap na niya sa records nila at naka-ayos na nga ang mga bulaklak.

"Para po kanino?" tanong niya habang ginagawa ang resibo.

Imbis na sagutin siya ay naglibot na lang ako sa loob ng shop. Napatigil ako sa tapat ng boquet of pink roses. Naalala ko nanaman siya bigla, eh bakit, kailan ko ba siya nakalimutan? 'Sing ganda niya ang mga bulaklak na 'to.

"Ah, pink roses po. Best seller po 'yan kasi bukod sa magandang arrangement namin eh natutuwa raw po ang mga babae na pinagbibigyan niyan." Ang dami namang sinasabi ng babae na 'to. Hindi ko naman tinatanong.

Lumapit na ulit ako sa kaniya do'n sa cashier. "Okay na?"

Napasimangot siya nang finally eh na-realize niyang wala akong pake. "Opo. Ito na po."

Nakalabas na ako ng flower shop dala ang magagandang bulaklak na 'to para sa isang taong alam kong nagpapahalaga sa akin kahit na hindi kami nagpang-abot. Napatingin ako sa relo ko. Hindi pa naman ako late sa appointment ko pero may kailangan pa akong asikasuhin kaya kailangan maaga pa rin ako makarating do'n.

Kaya pumasok ulit ako sa loob ng flower shop. "Hi Sir! Bumalik po kayo? Bibilhin niyo na po ba 'yung boquet?" nakangiti niyang bungad.

"I only want a pink rose and I want it to be delivered. I'll give the address." she handed me a pen and paper. I wrote the address and gave it back to her. "Here. Do you have a card or something?"

"Ah! Greeting card, Sir? Meron po! Wait lang."

The DestroyerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon