TD - 50

60.1K 1.3K 292
                                    

CHAPTER 50

ALEX’S POV

Hindi ako mapakali sa trabaho. Kanina pa ako nagkakamali. ‘Yung order sa table #7 nadala ko sa table #1, umapaw ‘yung tubig nung isang customer nung ni-refill-an ko ‘yung baso niya, tulala ako habang sinasabi ng customer ‘yung order niya, at kung ano-ano pa. Puro ako kapalpakan! Hindi nakakatuwa! Natatanga ako!

“Alex, pang-ilang mali na ‘to?” tanong ng bago naming manager.

Shet po, hindi ko na po mabilang eh. “Sorry po ma’am,” tanging nasagot ko.

Nasapo niya ang noo niya. “Tell me what’s bothering you.”

I can’t. I can’t tell it to someone I am not personally close with. Haay, na-miss ko tuloy si Jericho. Ang mokong kasi na ‘yon, ‘pag may gusto siya malaman kung ano-ano ang gagawin niya, may saltik kasi siya. At ka-edad ko rin kasi siya kaya medyo madali para sa’kin na mag-share at kausapin siya na parang normal lang.

I shook my head.

She sighed. “Okay fine. You take a break for a while and I am hoping na mamaya eh maging okay ka na at matapos na ‘yang problema mo kasi naaapektuhan ang trabaho mo eh ha.” She smiled.

Lumabas na ako ng opisina niya at naupo muna sa may staff room. Dinaluhan naman ako ni Weng at Dyosa na kapwang nagpupunas ng pawis.

“Oh ‘te, ano sabi? Tanggal ka na sa trabaho?” Nakangising tanong ni Dyosa.

Tinignan ko naman siya habang naka-crossed arms. “Tandaan mo Dyosa, mauuna kang matanggal kaysa sa’kin.”

Binato niya ako ng apron. “Bwisit ka.” Siya kaya nanguna, baliw talaga.

“Alex, ano ba kasi talagang problema mo?” tanong ni Weng.

Bumuntong hininga ako bago sumagot. “Kasi naman eh… si Casimir-…”

“Si Fafabelles!” pagputol sa akin ni Dyosa.

Sinamaan ko siya ng tingin. “Oo siya nga, pero pwede ba tigilan mo nga pagtawag sa kaniya niyan!”

The DestroyerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon