TD - 27

116K 1.2K 152
                                    

CHAPTER 27

CASIMIR'S POV

Tutal naman hindi ko mapilit si Alex na dito na lang sa amin mag-New Year eh ngayon ko na lang siya pinilit na sumama sa akin para ipakilala ko sa pamilya ko.

It is important for me to let her see my world, to meet my family.

Nagpa-reserve si Grandpa sa isang Japanese restaurant. Doon na lang kami magkikita-kita kasi susunduin ko pa ang prinsesa kong may kasamang bubwit. Okay na rin 'yon para tanggap nila.

Maaga akong pumunta kanila Alex kasi baka mamaya malimutan pa niya. Alam niyo naman may tendency si Alex na kalimutan ang mga usapan namin kasi pinipilit ko lang naman siya madalas.

I knocked three times before she opened the door.

She yawns, "Aga mo naman. Mamayang 12 pa 'yon 'di ba?"

Pumasok na ako. "Alex, medyo malayo 'yon tsaka tignan mo nga hindi pa kayo nakakaligo."

"Kababangon ko lang eh."

Nagpainit siya ng tubig para makapag-kape.

Pero nang buksan niya ang gripo walang tumulong tubig.

"Anak ng. Wala nanaman?!"

Tumayo naman ako mula sa pagkakaupo ko. "Naputulan kayo?"

She shook her head, "Madalas talaga ganiyan. May problema nanaman siguro."

"Paano kayo makakaligo niyan?"

"Edi mag-iigib!"

"Ikaw mag-iigib?" nilapitan ko siya at hinawakan ang braso niya, "'Tong payat mong 'to, mag-iigib?"

Sinamaan naman niya ako ng tingin, "Iniinsulto mo ba ako?"

Ngumisi ako, "Hindi naman, honest lang."

The DestroyerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon