TD - 43

71K 1.2K 1.2K
                                    

CHAPTER 43

GEOFF’S POV

Shet si Henry may girlfriend na, tapos si Casimir hindi nagpaparamdam, oh so ano, loner na ako ngayon? Ay buhay nga naman, oo.

Naisip kong maghe-healthy living na lang ako. Maaga ako gumising para mag-jogging. Pumunta ako sa sports center. Ooh lala, ang daming sexy, shet, makalandi nga muna.

Tumakbo ako at sinabayan ang isang babaeng naka-cycling shorts at puting shirt.

“Hi,” I greeted.

The girl smiled back. “Hello.”

“Ah, madalas ka ba dito?”

The girl nodded. “Oo eh, kasa-…”

“Excuse me?” may lalaking nagsalita sa likod namin.

Napatigil ako. Inakbayan nung lalaki ‘yung babae. “Ah madalas kami dito ng boyfriend ko.” She smiled.

“Oh okay. Pasensiya na pare, tinatanong ko lang sa kaniya kung kailan papayat si Barney. Thanks, bye!”

Umalis na ako agad, laki ng katawan ni Kuya eh, ke aga-aga mapapaaway pa ‘ko ng wala sa oras?

Naka-ilang ikot din ako at nagpahinga ako saglit, naligo na ako sa men’s shower room at naisip kong kumain na lang sa malapit na McDo.

Naka-order na ako at naghahanap ng table nang may makita ako… si Belle may kasamang lalaki. Hmm.

Umupo ako sa malapit sa kanila. Hindi niya ako napansin dahil magkatalikuran kami.

“Ikaw talaga Jericho ang BI mo.”

“Eh nakakatamad naman kasi na ang aga-aga ando’n na tayo.”

She laughed. SHE EFFIN’ LAUGHED WITH SOMEONE ELSE. “Sorry nga pala na hindi naging maganda ‘yung una nating pagkikita no’n ah? Kung ano-ano tuloy nasabi ko sa inyo ni Alex.”

The DestroyerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon