TD - 46

65.2K 1.4K 864
                                    

CHAPTER 46

ALEX’S POV

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi. Oo masaya ako na umuwi na siya pero hindi ako masayang may kasama siyang iba.

Sino ba siya? Bakit ganiyan si Casimir sa kaniya? Hindi naman siya pinakilala nito bilang girlfriend ‘di ba? So hindi ako dapat mabahala hindi ba?

Dumating kami sa mall at nag-lunch na muna sa isang Japanese restaurant.

Nakita kong pinaghila ni Casimir si Jhaztine ng upuan kaya agad din akong umupo sa tabi ni Casimir. ‘Di bale ng hindi niya ako ipinaghila basta tabi kami, okay na ‘yon.

Nang dumating na ang pagkain namin ay nakita kong lalagyan ni Jhaztine ng tempura ang pinggan ni Casimir pero kumuha ako agad ng maki at nilagay sa pinggan niya, inalis ko rin ang tempura.

“Casimir prefers maki.” I smiled.

“Oh gano’n ba? Okay.” Nag-kibit balikat na lang siya.

“Yeap, ‘di ba Casimir?” siniko ko siya.

Tumingin si Casimir kay Jhaztine na mukhang napahiya ata. Ha, take that. Siyempre mas may alam ako kay Casimir ‘no. Mas matagal kaming magkakilala! At kilalang-kilala ko na ang lalaking mahal ko!

“Actually, I can eat both.” Nabigla ako sa sinabi ni Casimir at ibinalik ang tempura sa pinggan niya.

What the fck is that?!

Nag-salin na rin ako ng red tea sa baso ni Casimir. “Thanks.” He simply said.

“You’re always welcome!” I beamed.

“Uy Alex, penge nga rin.” Sabi ni Geoff.

Sinamaan ko siya ng tingin at inabot sa kaniya ang pitcher. “Oh.”

“Lagyan mo rin ako, daya naman neto oh.”

“Ano ka sinuswerte?”

The DestroyerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon