Epilogue

67.4K 1.7K 283
  • Dedicated kay to all readers and supporters of TD
                                    

"I think an ideal life is to live alone without any attachment to people. That way you can focus on yourself and not get hurt." - Neurolove

That's what I used to believe. I only love myself to avoid drama.

But at one point in my life, I realized... "No man is an island". That was during college.

In college, I met my first enemy - Jeremy. Ang isang malaking hinayupak. Nagkataon lang siguro na parehas kami ng kaangasan, parehas kaming may ibubuga sa pag-aaral, at parehas kami ng babaeng minahal. I ruined him, I ruined them, naniwala kasi akong 'pag mahal mo, ipaglaban mo pero sa maling paraan ako lumaban. Sanay naman akong may kaaway eh, pero sa lahat ng nakaaway ko, sa kaniya ako nakaramdam ng pagkatalo. Halos 'di ko matanggap kasi hindi ako natatalo eh. Alam niyo ba 'yung pakiramdam na lumalaban ka pero sa gitna pa lang ng laban, alam mo ng talo ka na. We were never okay, he's still her ex-boyfriend and he will forever be the best hinayupak in town. Hilig pa rin niyang bwisitin ako kasi dumidikit-dikit pa rin siya kay Alex at natutuwa siyang inisin ako. Tangnang hinayupak 'yan, oo.

There's also a jerk named Jericho. Isa pa rin naman siyang malaking bwisit, ewan ko kung magbabago pa 'yon. Isa siyang pahamak kasi napapayag niya akong mag-racing at dahil do'n nagtampo ang nanay ko. Pero 'di bale, nagkapera naman ako. Malandi pa rin siya kasi kung kani-kanino siya nali-link. Madalas ko rin siyang makita sa school kasi nag-transfer siya sa amin, nagsawa daw do'n sa dati eh. Nakainuman ko siya isang beses habang hinihintay ko si Alex matapos sa trabaho at siya naman eh bumisita sa restaurant. Sabi niya, sa dinami-dami ng babaeng naka-fling niya wala ni isa do'n ang pumasa. Ang gusto niya raw kasi si Alex, muntik ko ng sinapak eh pero may pahabol siya na 'yung tipo ni Alex daw. Responsable, maganda, matalino, atsaka masayahin. Pwes, maghanap siya nang maghanap pero nag-iisa lang ang Alex ko. Pero sabi nga niya, hindi naman daw minamadali ang love, atat lang daw talaga ang mga tao dahil sa media, all kinds of media. May hugot siya eh pagbigyan niyo na.

Si Jhaztine. I am lucky that I met such a perfect girl like her. She's the strongest person I've ever seen. What I really love about her is that she can smile even if she doesn't want to. Ang saya-saya niya tignan pero sa loob niya nasasaktan na siya... nasasaktan ko na pala siya. Hindi ko naman maitatanggi na nagkagusto ako sa kaniya eh. Sino ba namang hindi eh ang tindi rin kaya ng charms no'n lalo na 'pag napanuod mo siyang sumayaw, turn on eh. Pero... hanggang pagkagusto na lang siguro ang maaaring maramdaman ko sa kaniya kasi iba pa rin si Alex eh. I know that she's been there for me and all but I can't deny the fact that Alex stayed in my heart and forever will. She deserves the best and I know that it isn't me. I want her to be happy too.

Si Desiree na pakipot pa nung una eh gusto rin naman si Henry. I am thankful that she's a good friend to Alex. Hindi niya hinusgahan si Alex nang malaman ang totoo sa kaniya. And I am also glad na hindi niya basta-basta kinakampihan si Alex kasi kaibigan niya. She's there to tell her kung sumusobra na siya o kung mali na siya. Gano'n naman talaga dapat ang kaibigan 'di ba? 'Yung andiyan para kumampi para sa'yo pero 'pag mali ka na, pagsasabihan ka, hindi ka iiwan pero ipapaalam niya sa'yo na hindi ka na tama. Henry is good for him. I know he'll take care of her.

And her boyfriend, Henry. 'Tong taong 'to na magaling sa photography, hanga rin ako sa kaniya kasi kumikita siya sa paraang nag-e-enjoy siya. Marunong sumideline kahit hindi naman niya kailangan kasi mayaman naman pamilya niya. At magaling talaga siya kasi ang gwapo ko sa mga kuha niya eh, sabagay, gwapo naman na talaga kasi ako. Isa pa, hindi niya napapabayaan ang pag-aaral at ang girlfriend niya. Okay pa rin naman ang grades niya eh. At minsan nagtatalo sila ni Desiree pero okay lang 'yon it can help to make their relationship healthy, they're both smart and I know magtatagal sila basta papanatilihin nila 'yung trust. 'Di tulad ni Geoff at Belle.

The DestroyerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon